4: UNIVERSE NA PARANG DVD PLAYER

113 12 1
                                    



...naghanap agad ako ng trabaho para makatulong. Madali naman akong natanggap. Kalahati ng sahod ko, napupunta sa magulang ko. Kalahati, kay Caloy at sa anak niya. Wala nang natitira sa 'kin. Pero masaya ako. Bobo 'no?

Masaya ako na makasama mag-grocery si Caloy. Kahit wala akong nabibili para sa 'kin. Ang nabibili ko, gatas ng anak ni Caloy, diapers, Johnson's no more tears shampoo... taray, may endorsment. Pero iyon. Gano'n ang nabibili ko.

Pero okay kami ni Caloy. Tuwing weekend, kanya ang baby. Dadalhin ni Sabel. Tapos, maglalaro ang dalawa kasama ang baby. Ando'n ako sa sulok ng kuwarto, nanonood.

"Bakit kasi nandoon ka pa?" tanong ni Ariston.

Walang karapatang maging part of the family? Sabagay, ang sagwa. Imagine, isang mama, isang papa, isang bading na pangarap maging second option ng papa?

Tumawa si Ariston.

Pero sige lang, papanoorin ko lang silang maglandian. Pero fast forward to three hours later. Chuwiiriichuwiirii...

"Ano 'yon?" natatawang tanong ni Ariston.

Sound effect.

"Eh, bakit gumalaw-galaw ka pa? Parang sasayaw."

Di ba gano'n kapag nafa-fast forward, bumibilis ang galaw? Ayun, fast forward. Uuwi na si Sabel. Maiiwan kami ni Caloy. Ihahatid siya ni Caloy hanggang pinto. Susunod ako, kalong-kalong ang baby nila.

Kakaway si Caloy kay Sabel. Si Sabel, sasakay sa motor ng tatay niya. Hindi magkikiss ang dalawa kasi mahihiya sa tatay. Iyon ang paborito kong eksena ng araw. Kasi, wala na si Sabel. Kami na lang ni Caloy ang nasa bahay. Kapag weekend kasi, ginagabi talaga sa simbahan ang mama at papa ni Caloy.

'Ayun, wala na si Sabel, kaya ano... meaning, ano... Alam mo na...

"Ngiting-ngiti ka," sabi ni Ariston.

Pasensiya na. Kapag kasi wala na si Sabel, parang ano... kami na ang magjowa ni Caloy. Kami na ang maglalaro sa baby. Puwede na kong maging substitute mother ng baby. Eh masaya sa 'kin ang baby. Tawang-tawa kapag nagpi-peek-a-boo ako. Ang lutong ng tawa niya. Tapos papanoorin lang kami ni Caloy, nakangiti. Para sigurong sinasabi niya... ito talagang mag-ina ko, o.

"Kilig na kilig ka," sabi ni Ariston.

Naalala ko, eh.

"Ang cute mo."

Nambobola ka na naman. 'Wag ako, iba na lang.

"Totoo."

Ewan. Pero ayun. Gano'n ang eksena namin linggo linggo. Ako ang nagpapadede sa baby...

"May gatas sa suso mo?" malutong ang tawang sabi ni Ariston.

Para kang ogag. Ewan. Buwisit!

"Aray, aray, aray! 'Wag kang manghampas! Joke lang naman, eh!"

Joke mo mukha mo! Natural, may feeding bottle. Magtitimpla ako ng gatas. Tapos papadedehin ko ang baby. Tapos kapag nakatulog, lalapitan ako ni Caloy...

"Napagod ka?" itatanong niya.

"Hindi naman," sasabihin ko. Ilalapag ang baby sa kama.

"Mukha kang napagod. Mukhang kailangan mo ng yakap."

"Pinagsasabi mo diyan?"

Tumawa lang si Caloy. Lumabas ang dimples. "Parang kailangan mo talaga, eh."

Agustin and Ariston's Versions of the Universe (COMPLETE)Where stories live. Discover now