"CALOY, may problema ba?"
Wala. Iyon ang palagi niyang isasagot, ngingitian ako at hahalikan. Kaya ako mananahimik.
Pero madalas, lalo na kapag gabi, habang nakaunan ako sa braso niya, makikita ko siyang tulala sa kisame. Parang may iniisip.
Fear is being installed in your heart, magfa-flash sa screen sa dibdib ko. Kasi ilang araw din akong nag-aalala na baka may problema siya.
Minsan naman, masaya si Caloy. Lalo na kapag kasama niya sina Basty at Angge--iyong mga kaibigan nga niya sa trabaho. Madalas na magpunta ang dalawa sa bahay, minsan, niyayaya pa si Caloy na maggala.
"Ayaw mo bang sumama?" sabi sa 'kin minsan ni Angge. Ngumunguya siya ng mint bubble gum. Kaya siya mahilig doon, kasi chain smoker siya. Para siguro hindi maamoy ang usok sa hininga.
Noong gabing iyon, sinundo nila si Caloy para yayaing uminom. May alam raw ang mga iyong high end na bar na may banda.
"Sumama ka na," sabi naman ni Basty. Overweight siya, balbas sarado at lahat yata ng Tshirt niya, may design na bungo.
Kalong-kalong ko si Ralph, niyuyugyog para makatulog. Ngumiti ako. "Naku, 'wag na. Walang maiiwan kay Ralph."
Tumawa si Angge, tumango-tango. "Okay," sabi niya. "Hayaan mo, babantayan namin asawa mo. 'Pag lumande, kami ng bahala."
"Hindi na ako lalandi sa iba," sabi ni Caloy, lumabas mula sa kuwarto. Bihis na bihis na siya. Tumingin sa 'kin at ngumiti. "Uuwi ako agad, 'wag kang mag-alala."
Nginitian ko siya.
"Kiss muna ako kay baby."
Padukwang pa lang siya, hinampas ko na siya. "'Wag na," sabi ko. "Tulog na, eh. Magising pa."
"Eh di sa asawa ko na lang ako kikiss," sabi ni Caloy, ngumisi. Tapos ay pinahaba ang nguso.
"Puta, kinikilig ako!" sabi ni Angge.
Ako din. Kilig emotion is running, sabi sa screen sa dibdib ko.
Nag-iinarteng pinaikot ko ang mga mata at pinahaba din ang nguso ko. Nagdikit ang mga nguso namin. Ngiting-ngiti si Caloy.
Nang makauwi siya, wala na ang ngiti sa mga labi niya. Inasikaso ko siya, pinagtimpla ng kape, minasahe, at tulala lang siya, walang sinasabi. Nang makahiga kami sa kama, hindi niya ako niyakap. Ilang sandali na namang tulala siya sa kisame. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong.
Nag-aalala pa din ako. Hindi ko kasi maintindihan, kung bakit minsan malambing siya, pero may mga pagkakataon na din na wala siya sa mood. Nagsasawa na ba siya sa 'kin? Nakuha na kasi niya lahat sa 'kin, eh. Siyempre, nakapag anal sex na din kami. Sabi niya, nilalabasan siya agad sa 'kin kasi masikip daw puwit ko. Pero... baka dahil nagawa na namin iyon, wala ng mystery. Wala ng thrill.
Minsan, naisip ko na... buksan ang Facebook niya. Alam ko naman kasi ang password. Naisip ko kasi, baka kung tama ako na nagsasawa siya sa 'kin, humanap siya ng thrill sa iba. Kaso, wala naman akong nakitang message na kakaiba, eh. Puro sa mga kapamilya niya, pass the message daw to fifty people or else five years of bad luck.
Hanggang sa tingnan ko ang search bar ng Facebook niya. Nakita ko ang search history niya. Unang-una doon si Sabel.
Kinabahan man ako, naisip ko, siyempre, curious pa rin siguro siya kay Sabel. Pero hindi naman niya nababanggit, kaya siguro wala na lang sa kanya. Gusto lang niyang malaman kung ano na ang nangyayari kay Sabel.
Ano na nga kaya? Mula nang maglive in kami, hindi na ako nakibalita kay Sabel.
Binisita ko ang Facebook wall ni Sabel. Natigilan ako sa nakita. Ang relationship status ni Sabel: widowed. Patay na ang asawa niyang Amerikano. Nagpost siya ng litrato niya na nakaitim, kasama ang mga kamag-anak na Amerikano ng asawa niya.