author's note
waaahh! readers, please forgive me kung ngayon lamang po ako nagparamdam sa inyo, kasi po ang daming itinambak na gawain ang University sa amin mula midterms hanggang ngayong finals. Kaya sana po ay maunawaan niyo ako. Maraming salamat po!
At dahil pinasulat kami ng isang maikling salaysay o kwento sa aming Retorika, ay nainspire ulit akong mag-update. Hehe, kaya magpasalamat kayo sa Retorika namin. de joke lang.. Don't worry i-papublish ko yung story ko as one shot story kasi nga naman ang ikli lang nun. Kaya eto na po ang update ko, pasensya sa segway..
P.S to all silent readers:
Mahal na mahal ko kayo kaya sana po'y magcomment kayo sa bawat chapters ko thank you po. Don't worry hindi ako nang-aaway mabait po akong bata :)
Godbless!Sana po magustuhan niyo ito ..
*JM on the pic*
(Lacey's POV)
"Lacey! K-kanina ka pa ba dito?"
muli lamang akong nakabalik mula sa pagkakagitla nang lumabas bigla si Rits sa kanyang kwarto na halatang natataranta.
"Ay naku! Hindi bestie kararating ko lang. Bakit parang nakakita ka yata ng multo? mukha ba akong white lady?"
kailangan kong magsinungaling sa ngayon. Ako mismo ang tutuklas sa aking narinig kanina. Ako lang ang hahanap ng sagot. Hindi ko muna guguluhin si Rits dahil ang dami na niyang pinoproblema.
"tch! Oo bestie eh. Ang putla mo na kasi. Ano ba pinaggagagawa niyo ni JC ha?"
iba talaga magpretend itong bestfriend ko. Tsk tsk, at nakuha pa talaga akong pagtripan.
" 'tong babaeng to! Ang dumi na ng utak. Iimbitahan pa naman sana kita bilang Maid of Honor sa darating kong kasal sa susunod na linggo."
"Ano?! Sa susunod na linggo na talaga ang kasal niyo bestie?! wow!! So ano? pumayag ba si JC sa gusto mong beach wedding?"
sunud-sunod na tanong ni Rits.
"Aba? sinong ikakasal bestie? Ako o ikaw? magtapat ka nga. Ba't parang mas excited ka pa kesa sa'kin?"
" 'to naman! Siyempre, excited ako para sayo."
"Suus! Oo na! Sa Bora yung kasal !! Waaaah!!"
"Wow! ang galing-galing! Doon kayo nagsimula, doon din kayo babagsak. How sweet ♥"
"Che! Enough about mine. Eh ikaw? Di pa ba nagpopropose yang Bow/Ily mo?"
I changed the topic.
"Aba't ewan ko dun? Wala yatang balak eh."
"Loka! So ano kayo? Live-in Live-in na lang? Mag-ayos nga kayo! Ang sasagwa niyo. Magpakasal muna kayo oy! Baka magkasala pa kayo diyan sa pagtira niyo sa iisang bubong. O baka nagawa niyo na ha? Diyos ko po! Patawarin niyo ang aking mga kaibigan.."
at sinapak niya po ako -_-
"Hoy! mag-ayos ka! Ang O.A mo at kay dami nang kalawang diyan sa utak mo."
"Eh kasi naman! Ang tagal kumilos ni Terrence eh! Ano pa bang hinihintay niya? UFO? baka maka-apat na kami ni JC nito tapos kayo live-in pa rin diyan."
"Wow ha! Ang sipag. Medyo malandi rin."
Ouch! Medyo tama rin siya. Hehe ba't ko naman kasi naisipang sabihin yun? you know.. Truth Hurts!
" 'to naman..Joke lang. hehe. sige alis muna ako bestie ha? May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Sige, ako rin may gagawin. Ingat!"
BINABASA MO ANG
(PKG) Pinaghalong Kape at Gatas
Teen Fictionfrom enemy to lovers?? Possible nga bang magkasundo ang isang kapeng barakong babae at isang gatas na lalake?? are they gonna experience the word forever?? or will they become enemies forever??