Sabi nga nila, hindi natin maaaring diktahan ang oras.
Hindi natin maaring kontrolin ang mga pangyayari sa ating buhay.
Ang buhay ay hindi isang video film na pwede mong i.pause kung pagod ka nang manood sa mga pangyayari.
Hindi mo rin ito maaaring i.cut ang isang parteng ayaw mong maganap sa buhay mo.
Hindi mo naman pwedeng i.slow motion ang mga moments na gustong-gusto mong magtagal.
At hindi mo rin ito pwedeng i.forward kung talagang excited ka na sa future at gustong magmadali.At ang lalong pinakahindi mo maaaring gawin ay ang i.play back o i.previous ang ilang pangyayaring gusto mong balikan at itama ang pagkakamali.
Ang nag-iisang bagay na maaari mong gawin ay ang flashbacks .
Pero sa flashbacks, wala ka nang magagawa sa mga pangyayaring nakikita mo. Ang tanging magagawa mo lang ay ngumiti, tumawa, umiyak, sumigaw, magalit at higit sa lahat ---
ang magsisi.Yun lang. Yun lang at wala nang iba.
(Rits's POV)
Ang sakit. Parang biglang gumuho ang mundo ko sa isang iglap.
Ano pa bang silbi ko rito sa mundo kung gayong wala na ang kalahati ng buhay ko?
Bakit si Terrence, na kung saan ang daming nagmamahal at masasaktan kapag nawala siya?
Bakit si Terrence pa, na masamang damo yun eh! Dapat buhay pa yun.
Bakit si Terrence pa, na nag-iisang lalaking minahal ko nang lubos at nagmamay-ari nitong puso ko?
Sino na ang magiging ama sa mga magiging anak namin?
Ayokong tanggapin!
Oo! Buhay pa si Bow! Buhay pa siya!
Hindi siya ganoon kabait para kunin agad ng Diyos. Hindi!
Buhay pa siya!
At kailangan ko siyang puntahan para maisugod sa ospital.
Mariin kong pinahid ang mga tumutulo kong luha at tsaka tumayo at nagtatatakbo palabas ng simbahan.
"Bestie!! San ka pupunta?"
narinig kong sigaw ni Lacey.
Nagdire-diretso pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok na ako sa loob ng kotseng sinakyan ko kanina at nagpaharurot papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Nakikita ko mula sa side mirror na sinusundan ako ni Aki, kilala ko kasi ang kotse niya.
Hindi ko siya pinansin at nagtuluy-tuloy pa rin ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa napakaraming nagkumpulang tao.
Natatanaw ko ang isang cargo truck na tumagilid at sa may bandang harapan nito ay ang isang puting sportscar na wasak ang harapan at nangingitim na sanhi ng usok noong ito'y sumabog.
Nakaramdam ulit ako nang mabilis na pag-agos ng isang mainit na likido sa pisngi ko habang mahigpit kong diniinan nang hawak ang manibela ng kotse.
Mabilis akong bumaba at nangtungo palapit sa puting sportscar na ngayon ay pinalibutan ng mga NBI at pulisya upang hindi malapitan ninu man.
Narinig kong bumukas din ang kotse sa bandang likuran ko na ibig sabihin ay lumabas din sa kanyang kotse si Aki.
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy pa rin sa pupuntahan ko.
Nang makalapit na ako, ay pinagtitinginan nila akong lahat dahil siguro sa naka-wedding gown pa rin ako.
Nakikita kong puno nang awa ang kanilang mga titig sa akin kaya mas lalo akong nainis at tumakbo palapit sa driver's seat nung sportscar.
BINABASA MO ANG
(PKG) Pinaghalong Kape at Gatas
Teen Fictionfrom enemy to lovers?? Possible nga bang magkasundo ang isang kapeng barakong babae at isang gatas na lalake?? are they gonna experience the word forever?? or will they become enemies forever??