*Cocktail dress ni Rits on the picture :)*
(Terrence' POV)
Grabe ang dami kong nalaman ngayong gabi, akalain mong Sylvia din pala yung childhood love ko na si Rits? Hmm... Ang puputi nga ng mga Sylvia at ang gaganda.
Well... except kay Reenaive pero hindi nga naman daw siya totoong Sylvia pero, maganda rin naman siya kahit papano.
ano kayang nangyari dun kay Rits kanina?
parang di siya okay eh, susundan ko sana siya dun sa C.R kaso pinigilan ako ng mommy niya.
At pagkatapos nun di ko na siya nakita...umuwi na raw sabi nila kaya wala na akong nagawa kundi umuwi na rin.
fast forward na nga.
umaga na pala at malalate na ako, kelangan ko nang magmadali dahil maaga classes ko ngayon.
nasa school na kaya ngayon si Reenaive?
marami akong ikukwento sa kanya tungkol sa mga pangyayari kagabi.
sumakay na ako sa kotse at nagmadali papuntang school, isang subject ko lang ngayon ang kaklase ko si kape kaya susulitin ko na ang pagkukwento. Hehe!
Tumabi ako kay kape.
hanggang naglelesson yung prof nakikipag-usap ako sa kanya, tutal nasa may bandang likod naman kami kaya di kita.
"pst! uy! kape, may ikukwento ako sayo."
"ano?"
tss... Ang tipid talaga magsalita ni kape, pero parang badmood yata siya ngayon, bahala na...
"kakaiba kasi yung nangyari sa akin kagabi eh."
natigilan siyang magsulat pero matapos ang ilang segundo nagsulat ulit siya.
"alam mo nakita ko yung puppy love ko kagabi at akalain mo? Sylvia din pala siya?! Kilala mo ba yun kape? Si Rits Sylvia?"
Napatingin sa akin si Lacey na parang gulat. Psh! para nasabi ko nga lang puppy love eh, nagulat agad siya?
"Ah ganon ba? Hindi ko siya kilala pasensya."
"Ay naku sayang... Alam mo, ang ganda ganda niya. Siya pa rin yung sweet girl na alam ko noon."
"So? masaya?"
Aba't g*g* to! Binara ba naman ako?! Leshe!
"Ayoko na ngang magkwento sayo."
"mabuti."
iniinis yata ako ng kapeng to ah. hmp! bahala nga siya.
"nga pala, turuan mo ako mamaya ha?"
"K. fine."
Oo nga pala, tuturuan ko pa siya ng math dun sa sementeryo.
Tapos na yung class, nagsi-alisan na yung mga kaklase ko pati sina kape at Lacey na nagtatawanan pa.
Teka nga...
yung tawang yun...
parehong-pareho sa tawa ni Rits.
Tititigan ko pa sana si kape kaso naka liko na sila sa ibang corridor, magkaiba na kasi kami ng room.
kring!!!!!..
lunch break.
ako lang mag-isa sa table sa may canteen.
Wala akong mgawa. Nagmukmok lang ako kasi wala akong gana.
"oy pare!" -JC
"ano ba naman yan pare, ba't ka nanggugulat?"
BINABASA MO ANG
(PKG) Pinaghalong Kape at Gatas
Teen Fictionfrom enemy to lovers?? Possible nga bang magkasundo ang isang kapeng barakong babae at isang gatas na lalake?? are they gonna experience the word forever?? or will they become enemies forever??