Chapter 20: miscommunication

14 0 0
                                    

"nandito na ako!"

napasigaw ako habang mangiyak ngiyak na sa kaba.

andito na ako sa kinaroroonan ni Terrence, subalit nagtataka ako sa lugar...


fitness gym ito eh.

baka nagkamali ang GPS? pinunasan ko ang luha ko.

"hindi! ito ang sinasabi ng GPS. Baka may underground dito. Baka ganito ang bagong hideout ng mga kidnappers para hindi madaling matuntun."

yun na lamang ang nasabi ko saka ako dire-diretsong pumasok dun sa gym. wala akong pakialam kung gano na kadungis ang mukha ko ngayon ang importante makita ko si Terrence!


pagpasok ko sa loob....


TERRENCE!!

pareho kaming gulat!

nakita ko na siya, nagtatawanan at nagkwekwentuhan sa mga kasamahan niya ata eto sa pagggym, mga lalaki lahat eh.


nakaramdam ako ng pagod at pagtataka, parang nanlumo ako at sumaya at parang galit na rin ako sa nakikita ko ngayon.

tulala pa rin siya at halatang gulat na gulat na nakita ako, siguro nakakagulat  na nga kadungisan ng mukha ko ngayon. Pakialam ko ba?! ikaw kaya ang sa posisyon ko tignan lang natin.

nararamdaman ko na ang pagod buhat ng mga dinanas ko kanina.

masaya rin ako at nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil nakita ko siyang ligtas.

at nagagalit ako dahil nagmukha akong tanga kanina yun pala pinaglalaruan lang nila ako!


"Rits?! anong ginagawa mo dito?"

bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.

Tae ka! nagulat ka pa at nandito ako?!

lumapit ako sa kanya. Dire-diretso lang ang lakad ko, walang lingon lingon,

tapos

*SLAP!*

"Aba! congratulations, pwede na kayong sumali sa Guineas Book World of Records bilang best Pranksters! Grabe! Naloko niyo ako! Galing niyo!."

sabay irap at talikod. tumakbo na ako palabas.

di ko namalayan, tumutulo na pala ang luha ko.

napansin ko, sinundan pala ako ni Terrence pero di ko pa rin siya nililingon.

"Rits! teka!"

agad akong pumara ng taxi at sumakay,

sakto ang timing ni manong, buti at di ako naabutan ni Rence.

"Riiiiiiiittttttssss!!!!!"

naririnig ko pa rin ang sigaw niya.

grabe! humagulgol na ako ng iyak.

"uh.. Miss, san kita ibababa?" -manong driver

hindi ako umimik, humagulgol lang ako ng iyak..

"hala miss.... Sorry, wag ka nang umiyak di na ako magtatanong." -driver

natawa naman ako kay manong.

"naku manong, sorry po.. kahit saan na lang po, kung saan niyo ko feel na ibababa doon na lang po."

(PKG) Pinaghalong Kape at GatasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon