Chapter 30: Planner & the wedding!

29 0 0
                                    

*Riiiiiiiiiiiingg!!!*

"Oh sorry, canceled daw po lahat ng appointments ni mam Rits ngayon."

*Riiiiiiiing!!!*

"Hello? Sorry po. Kabilin bilinan ni mam Rits i-cancel lahat ng appointments ngayong araw."

*Riiiing! Riiiing!!*

"No appointments. Sorry po."

*Riiiiiiiiiinnnggg!!!!*

"Hindi po pwede, sorry."

(Rits's POV)

"hoo! Tapus--- hah - hah - na po lahat ma'am."

hingal na hingal na sabi ng secretary ko.

Naku, naaawa na ako rito. Ang dami na niyang ginagawa at sinasalong trabaho dito sa office ko simula pa noong nawala ako.

Nagtataka kayo?

Ay oo nga pala...

2 weeks later na ito:)

I'm alive and kicking na ulit!

Nakalabas na ako sa hospital nung isang araw at balik trabaho na naman ako ngayon sa office.

Kahit pa pinagalitan na ako nina mommy, daddy, Terrence, Lacey, JC at lahat lahat na, ay pumasok pa rin ako rito sa office dahil nga naaawa na ako sa itinambak kong trabaho sa secretary ko.

Payo nga rin ng doctor ay magpahinga muna ako, pero nagpumilit pa rin akong pumasok. Kaya pinayagan na niya ako at sinabing ok lang naman daw basta not that tiring at light lang yung trabaho.

Sabi ko naman ay uupo lang naman ako at mag-aasikaso ng papers kaya pinaalis nga ako at pinayagan.

Pero this time pinapa-cancel ko lahat ng appointments kasi this is a special day for me and also tomorrow is a very special day as well as for someone very special also to me.

"Ahh ma'am pwede na po kayong umalis. Ako na pong bahala rito."

-secretary ko :(

naaawa na talaga ako sa kanya eh.

Pero binabayaran ko naman siya diba?

kaya okay lang naman to siguro. hihi.

"Naku! Sorry talaga Tess ha? Aalis na naman ako, iiwan nanaman kitang may nakatambak na trabaho. Sorry talaga."

Sana mapatawad niya ako.

"Mam naman... Di niyo po kailangan magsorry. 'to naman si mam parang hindi niyo ako binabayaran. hehe.  Ok na ok lang po talaga, naiintindihan ko po kayo. Sige na po mam malalate na po kayo."

sabi ko nga.

Kaya paborito ko itong secretary kong 'to eh! Masyadong maunawain.

"Sige, sige aalis na ako Tess ha? Salamat!"

nakangiti kong pagpapaalam sa kanya.

ngumiti naman siya bilang tugon.

Dumiretso na ako sa parking lot para puntahan ang kotse ko at nang makaalis na ako, pero may biglang nahagip ang mata ko...

Si JM.

Pasakay na sa kotse niya at mukhang umiiyak?

Ano kayang nangyari dun?

Tatakbo na sana ako papunta sa kotse niya kaso mabilis na niya itong napatakbo palabas ng parking lot kaya hindi ko na siya nagawang puntahan pa.

Bumalik na lang ako sa kotse at umalis na, habang iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay JM at kung bakit siya nandoon sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

(PKG) Pinaghalong Kape at GatasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon