(Terrence's POV)
*flashback*
" Rits! Diyos ko! Gumising ka please..!"
hindi ako mapakali, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bigla nalang nawalan ng malay si Rits at humihina na ang kanyang paghinga ngayon.
"Aahh!! Bwisit!!"
napamura ako ng wala sa oras.
Oo, alam kong masamang magmura. Pero for Pete's sake! Halos hindi na humihinga ang mahal ko! Kasing puti na rin siya ng papel sa putla.
Kaya isinugod ko siya sa hospital na karga-karga ko lang siya at patakbo.
Kung bakit naman kasi tulala lang ang mga tao sa paligid, walang tumulong wala man lang naglakas loob na tumawag ng ambulansya!
Bwisit talaga!!
Buti na lang at nasa harap lang ng mall ang hospital.
Hindi ko alam kung gaano kabilis ang takbo ko basta ang tanging nasa isip ko lang ay maisugod ko agad siya sa ospital sa lalong madaling panahon.
Sa wakas at nakarating ako agad, nagpapasalamat ako sa bilis ng adrenaline rush ko. Dahil 20 mins lang ang naigugol kong oras sa pagtakbo.
Nasa ER na si Rits, at naiinis ako ngayon sa sarili ko.
"Ano ba Terrence?! Ang malas mo! May kakambal ka yatang malas eh! Palagi mo nalang siyang napapahamak! Bwisit ka!"
sinabunutan ko ang sarili ko habang sinasabi ko iyon.
Bakit ganito?! May kakambal ba akong malas?!
Una, nung new year.
Naisugod siya nang dahil sa kagaguhan ko.
Ngayon naman! Halos maubusan na siya ng hininga nang dahil ulit sa akin!
Diyos ko... Ano bang nagawa ko para parusahan mo ako ng ganito?
Hindi ko na kinaya at umiyak na ako doon sa waiting area sa labas ng ER.
Bakit? Bakit?
Bakit siya pa?...
Sana ako na lang.
*end of flashback*
nandito pa rin ako sa ospital ngayon at binabantayan ko ang natutulog kong anghel.
Haay.. Ano ba yan! Namamawis ang kamay ko.
Bakit na naman ba ako kinakabahan?
Buo na ang desisiyon ko.
Ngayon na, ngayon na ang tamang araw hindi ko na patatagalin pa.
Gagawin ko na ngayon bago pa maging huli ang lahat.
"Uh Rence? Are you okay?"
"Oh Jesus!"
Naisambit ko sa gulat nang magsalita si Rits.
"Rence, Anong nangyari?!"
Problemado niyang tanong sa akin.
"wala. wala. Ikaw naman kasi eh. Akala ko tulog ka eh bigla kang nagsalita kaya nagulat ako."
"Bawas bawas mo kasi pagkakape mo bow."
"Ha?! Hindi. Wala. Hindi ako nininerbyos, ano ka ba hehe."
tumawa ako ng mapait. Hindi ko narinig yung sinabi niya pero ito na ang lumabas na tugon sa mismong bibig ko. Nininerbyos nga kasi talaga ako! Argh!
BINABASA MO ANG
(PKG) Pinaghalong Kape at Gatas
Teen Fictionfrom enemy to lovers?? Possible nga bang magkasundo ang isang kapeng barakong babae at isang gatas na lalake?? are they gonna experience the word forever?? or will they become enemies forever??