(Rits's POV)
Nagising ako sa isang pamilyar na puting kwarto.
Nandito na naman ako.
Same room, same bed.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto.
Grabe, marami na ring alaala ang naganap sa kwartong ito, unti-unting nagflashback ang lahat.
Simula noong una kong nakita si JM.
Dito rin mismo sa kwartong ito, ah oo nga pala, sa kanila ang hospital na ito.
~~~
"Miss? Are you okay now? Sorry, hindi ko na.contact yung friends or family mo kasi I found nothing on you, only your credit card and I can't hardly read the name of the card 'coz its really scratched maybe because it was used a lot. And I found no cellphone of you. Let me ask you, tao ka ba? o alien na ipinadala dito sa earth? Bakit wala kang phone?!"
"yohoo! Miss? Miss?-- you hear me? Are you conscious already or what?"
Medyo natatawa pa ako noon habang naaalala ko itong munting alaalang ito.
Ngayon, luha. Luha na lang ang siyang tumutulo sa gilid ng mata ko ngayon habang inaalala ko ang magandang mukha ni JM , kumikirot ang puso ko.
Kapatid ko pala siya.
kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Napansin ko ring magkapareho kami ng hugis ng mukha na namana ko pa kay mommy, kaya mukhang related nga kami.
nagflaflashback din yung mga pagkakataong nagkwekwentuhan kaming dalawa. Sa tingin ko pa nga nun ay parang matagal na kaming magbestfriends dahil sa haba-haba ng aming pag-uusap.
Yung mga usapan na puro girl thingy at mga kalokohan kaya naman nauuwi kami sa halakhakan.
Napalingon naman ako sa bandang kanan ko kung saan naroon ang isang bedside table tsaka couch.
muli, isang mainit na likido ang tumulo sa pisngi ko nang maalala ko ang second proposal ni Terrence...
~~~
"Ha?! Hindi. Wala. Hindi ako nininerbyos, ano ka ba hehe."
"Bow, ano ba. Sabi ko kape! Hindi nerbyos. Anong nangyari sayo? wala ka ata sa sarili mo?"
"Wala. Nagkape lang ako kanina, pero hindi ako ninerbyos."
"Alam mo para kang timang! Ano bang nahithit mo at nagkakaganyan ka?"
"Hindi nga kasi ako nagkakape! Aish! Oh eto na nga oh singsing will you marry me?"
"Ahh! Bwisit na nerbyos 'to!"
napatawa ako habang naghahabulan pa rin ang mga luha ko. Kung may tao lang dito, iisipin siguro nilang baliw ako.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Gusto kong sumigaw, sumigaw upang humupa ang sakit dito sa puso ko.
Kumikirot na naman ito na parang paulit-ulit na sinasaksak ng ice pick.
Sobrang sakit, sobra.
Nahihirapan na akong huminga at pilit kong inaabot ang oxygen tube sa tabi ko. Hindi ko pa rin maigalaw nang maayos ang katawan ko dahil kumalat na naman ang cancer cells sa katawan ko dahil sa kapabayaan ko.
Parang naunsyami lahat ng chemo therapy na ginawa ko. Back to zero naman ako ngayon.
Biglang bumukas ang pinto at bigla rin akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
(PKG) Pinaghalong Kape at Gatas
Teen Fictionfrom enemy to lovers?? Possible nga bang magkasundo ang isang kapeng barakong babae at isang gatas na lalake?? are they gonna experience the word forever?? or will they become enemies forever??