Chapter 35: Moving On

10 0 1
                                    

"Hey Aki! Tama na ! Tama na! hahaha"

"ayoko. Yakap muna."

Patuloy niya pa rin akong kinikiliti. Kainis talaga 'tong lalaking ito. pinupuntirya ako sa kahinaan ko.

"Aki naman ee! Oo na! Oo na! Wait!"

At tumigil na siya sa pangingiliti sabay ang isang ngiting aso na may pagtaas  baba pa ng kanyang kilay.

Lumapit ako nang konti sabay yakap sa kanya at siya naman ay yumakap din sa akin nang mahigpit.

3 months na ang lumipas simula noong naospital ako. Nakasurvive naman ako from cancer. At heto ako ngayon kahit papaano'y masaya sa piling ni Aki.

Nanliligaw pa rin siya, at gaya ng sabi ko hindi magiging mabilis ang proseso.

Ang hirap kayang mag- move on! Akala niyo madali lang?

FYI, hindi po madali.

Sa sobrang haba ng pinagsamahan namin ni Terrence, halos sa lahat ng bagay na pumapaligid sa akin ay naaalala ko siya.

Ang hirap, dahil sa kahit konting  wrapper ng mga kendi ay naluluha ako dahil naaalala ko siya.

Sa bawat lugar na aapakan ko sa apartment ay naaalala ko siya.

Kahit saan na lang, mukha niya ang tumatambad sa aking isipan.

gabi-gabi akong umiiyak sa aking kwarto.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.

Ayaw ko pa ring tanggapin na wala na siya.

Ayaw ko pa ring mag.move on.

Pero kailangan. Kailangan kong magmove on para kay Aki.

~~~~~~~~

"Ang hirap pala, Aki."

Bigla kong naisambit habang magkayakap kaming pinapanood ang pagsikat ng araw.

"Ang alin Rits?"

tanong niya na may halong pagtataka.

"Ang kalimutan ang lahat."

Bigla siyang napa-buntong hininga.

"Rits, kailanman hindi madali ang paglimot sa isang tao lalong-lalo na kung ang taong yun ay matagal mo nang nakasama at importante sayo."

napahinto siya at tinitigan ako, pero nanatili pa ring tikom ang aking mga bibig.

ngumiti siya, ngunit may nakakubling lungkot sa kanyang mga mata.

"Ang paglimot sa taong mahal mo ay parang paniningil sa taong may utang sayo ...

natawa ako nang kaunti pero hindi pa rin ako nagsalita at inantay ang mga susunod niyang kataga.

... wala ni isang araw na hindi mo siya maiisip at babalik-balikan. Wala ni isang araw na hindi mo siya maalala. Wala ni isang araw na hindi mo siya pupuntahan. Wala ni isang araw na hindi mo siya tatantanan. Tama ba ako?"

tanong niya.

Tumango lamang ako bilang sagot dahil alam kong hindi pa siya tapos.

"Pero ito ang tatandaan mo. Darating din ang araw na mapapagod ka sa kakahabol. Mapapagod ka sa kakaisip. Mapapagod ka sa kakasingil ng kanyang mga pangako. Mapapagod ka sa kakapunta kaya titigil ka na lang at hahayaan mo na lang na hindi niya bayaran ang utang niya. Kasi mare-realize mong pinapagod mo lang ang sarili mo sa mga bagay na alam mong walang papupuntahan."

Bigla-bigla na lang tumulo ang aking luha kaya't niyakap ko siya nang mahigpit.

Tama si Aki. Walang patutunguhan ang pag-iyak sa taong wala na. Walang naidudulot na maganda ang paghahanap sa taong imposible mo nang makita't mayakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(PKG) Pinaghalong Kape at GatasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon