Chapter 21: Rainbow

20 1 0
                                    

apat na taon...

apat na taon na ang nakakalipas

simula nung nagkaroon kami ng

miscommunication..


maraming nangyari,

may maganda,

meron din namang masama.

sa apat na taon na yun ay gumradweyt na kaming lahat sa kolehiyo.

sina Terrence at JC, naku! ayon! magna cumlaude sa BSFM

at siyempre, kami ni Lacey? hehe...

cumlaude lang naman. oh diba?

ang tatalino namin. Pero unfair lang kasi mas matatalino yung mga lalaki.

nga pala, sina JC at Lacey ikakasal na sa susunod na buwan.

akalain mo ba naman? after graduation eh may surprise proposal din pala si JC.

Kaya ayon! maluha luha yung bestfriend ko.

Haaayy...

ang saya na ng story nila noh?

eh kami?

siyempre, di rin naman kami pahuhuli.


patuloy pa rin ang bangayan namin na parang aso't pusa, mas lumala pa nga yata eh!

meron pa ngang umabot sa punto na muntikan na talaga kaming magbreak dahil lang sa niluto niyang breakfast.


pano nangyari yun?

*FLASHBACK*

nasa iisang apartment lang kami ngayon kasi graduation party namin kagabi, bale nagkaroon ng night party at konting inuman dito sa apartment niya kasi nga may pool dito.

kaya dito na rin natulog ang barkada subalit paggising namin kinaumagahan wala na silang lahat kaming dalawa nalang ang naiwan.

kasalanan ba naming mantikain kami matulog? hehe.

11 am na po kasi kaya parang brunch nalang itong kakainin namin na kasalukuyang niluluto ngayon ni Rence.

"Hoy teka nga Rence! ano ba yan? bakit mo hinahalo yung mantika diyan sa beaten egg?! Marunong ka ba talagang magluto?"

"oo nga! eh ganito ako magluto ng scrambled egg eh! umupo ka na nga lang diyan wag ka nang makialam." -Rence

pinagmamasdan ko pa rin siya sa mga niluluto niya.

talagang mali eh!

eto lang naman kasi yung ginagawa niya oh:

yung mantika at itlog pinagsama?!

yung bacon mas unang nilagay sa pan kesa sa mantika

yung rice pinrito ng walang mantika?! haler?! ang labas parang pop corn

at yung mas hindi ako makapaniwala yung sausage in can nilagay sa microwave para uminit daw, take note! IN CAN pa ha!


naku! di kaya sumabog na itong bahay niya? at baka di na kami umabot sa kasalan?

di ko na natiis..

pinatay ko yung microwave.

"ano ba?! di pa yan tapos!" -Rence

"gusto mo na bang mamatay? pag ito sumabog, naku!!... dapat kasi ilabas mo muna sa lata!"

(PKG) Pinaghalong Kape at GatasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon