"Sandaling oras mo lang ang kailangan ko, hindi itong mga gamit na binili mo"
Ilang buwan na ba?
Mula noong tayo'y nagsimula?
Noong sinabi ko sayo na sapat ka na
Oras mo lang kailangan ko wag ka mag alalaMasaya tayo sa mga unang buwan
Napag-uusapan ang mga pinag aawayan
Kaya naman sabi ko sayo
Sana ay magtagal tayoHabang tumatagal ay doon na nagbago
Mga away na tumatagal ng linggo
Mga pangako mo, na akala ko ay tinupad mo
Ngunit mali ako, hindi na ako dapat pa umasa sayoImbis na sumuko ay lumaban ako
Kinausap ka sa mga pangako mo
Ang sabi mo pa noon "mag babago na ako pangako"
Nag simula ka na naman mangakoAkala ko nagbabago ka na
Ngunit hindi naman pala
Kaya heto ako ngayon naluha
Mukhang tanga na umasa paLagi mo ako binibigyan ng mga bagay
Kapalit ng mga oras mo na wala ka
Tangina naman hindi ko kailangan niyan
Kailangan ko ay oras na kasama kaHabang tumatagal ay mas lumalala
Ilang araw bago ka maka-usap
Kaya naman grabe ang pag-aalala
Kausapin mo naman ako pakiusapMakalipas ang isang buwan
Naisip ko kailangan ko na itong wakasan
Mahal kita pero tama na, ayoko na
Nakakasawa ng paulit-ulit na masaktanHindi ako tulad ng dating babae mo
Na habol lang ay pera mo
Hindi kami magkapareho
Oras mo lang ang gusto ko

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...