"Huwag mong jowain kung hindi ka pa handa
Pagkatapos mo guluhin yung buhay niya bigla ka na lang mawawala"Sa eskwela una kayong nagkita
Kita sa mukha niya ang saya
Kaya naman ay nilapitan mo siya
Sabay tanong anong pangalan niyaMagmula noon ay umaligid ka na
Gusto ay lagi siyang makita
Kinakausap kahit may klase
Tapos ang dahilan "miss kasi kita eh"Makalipas ang ilang buwan ay umamin ka sa kanya
Natuwa ka nang malaman na ganoon rin siya
Kaya naman ay niligawan mo na
Sabay sabing hindi ko na to papakawalan paMasaya kayo sa unang buwan
Sabi mo pa nga "walang iwanan"
Natawa siya pagkasabi mo niyan
Sabay sabing "hindi naman totoo iyan"At dumating na ang ikalawang buwan
Doon ay napapansin na niya
Na para bang wala ng saya
Na para bang may iba ka naSinubukan ka niya kausapin
Ngunit ang katotohanan ay ayaw sabihin
Mayroon pa bang kayo?
Bakit bigla ka nagbago?Ilang linggo naghihintay sayo
Ngunit siya ay bigo
Para kang isang bula
Bigla na lang naglahoIniwan siyang luhaan at nag iisa
Hindi ka pa pala handa
Hindi mo na sana siya ginulo sa umpisa
Hindi mo na sana siya jinowa paMakalipas ang ilang linggo muli kayong nagkita
Inayos ang mga hindi pagkakaintindihan
Bago siya umalis ika'y kanyang sinabihan
"Huwag kang mag jowa kung hindi ka pa handa, Pagkatapos mo siya guluhin ay bigla ka na lang mawawala"
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...