Pampalipas Oras

115 3 0
                                    


Hindi ako pampalipas oras
Na para bang isang laruan
Na kung kailan gusto ay saka babalikan
Ako pa talaga, minamalas nga naman

Tahimik na yung buhay ko
Nang bigla mo akong ginulo
Ngayong nahulog na ang loob ko sayo
Bakit bigla kang nagbago?

Sabihin mo kung sawa ka na
Hindi iyong pinapatagal mo pa
Lalo mo lang akong sinasaktan
Kailan ba ito mawawakasan

Ilang araw nag hihintay sa iyo
Gusto ko lang naman ay mapansin mo
Magkano ba ang oras mo
Presyohan mo at bibili ako

Usapang matino
Ano ba talaga ako para sayo
Bakit ako nag kakaganito
Namamalimos ng oras mo

Nagkamali ako sa pag pili
Kaya ngayon ako'y nagsisisi
Kailangan ko ng ayusin ito
Kaya naman ay wakasan na natin ito

___________

Note: I saw one of my poem was posted online and didn't put credits, sana naman po kung kukunin niyo put credits na lang. Hindi ako magaling gumawa ng tula kaya nahihirapan ako.

If ever kukuha kayo ng tula dito give credits, pwede ko kayo kasuhan ng plagiarism pag ganun, yun lang.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon