Unspoken Rule No.1

485 3 1
                                    

"Kailangan mo ng sumuko kung alam mo rin sa sarili mo na wala na talaga"
dahil habang tumatagal ay lalo ka lang masasaktan

hanggang ngayon naghihintay parin ako kasi diba sabi mo "babalik  ako pangako"
pero nasan ka na?
babalik ka pa ba?
akong tanga umasa parin hanggang sa isang araw ika'y aking nakita may kasamang iba tinanong kita " sino siya?" akala ko isasagot mo saakin "kaibigan ko lang " pero mali ako,nasaktan ako sa sinabi mong "bago ko nga pala" gusto ko umiyak pero hindi ko magawa,gusto kita yakapin pero sino nga ba ako para sa iyo? pinilit kong ngumiti at sinabing "congrats!  sige alis na ako " paalis na sana ako nang ako'y iyong hawakan sa aking mga braso.Umasa na naman ako na babawiin mo yung mga sinabi mo,na sasabihin mong joke lang iyon ikaw parin ang mahal ko pero sa pangalawang pagkakataon mali na naman ako,ang linaw ng mga sinabi mo sakin na " sorry at salamat sa lahat sana matanggap mo na hindi na ikaw ang mahal ko " ang sakit,sobrang sakit! ang sakit dahil ako'y agad mong ipinagpalit! saan ba ako nagkulang? saan ba ako nagkamali para ako ay iwan mong malungkot at luhaan!? diba sabi mo babalik ka? oo bumalik ka nga pero bakit iba na iyong tinitibok ng puso mo?! umasa ako! nagmuka akong tangga! ilang araw,linggo,bwan akong umiyak ! hinihiling na bumalik ka na sa aking piling ng ako'y muling sumaya , tayo'y muling sumaya. Pero sa tingin ko kailangan ko nang sumuko, sana hindi mo na ako pinaasa sa umpisa pa lang kung alam mo nang hindi ka rin naman babalik sa aking piling dahil kahit buo man itong puso ko ay para namang dinudurog sa sobrang sakit. Kailangan ko na sumuko dahil alam ko na rin naman na wala nang pag-asa dahil baka kapag ito'y aking ipinagpatuloy parin lalo lang ako masasaktan.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon