Mag iisang taon na mula nang tayo ay mag hiwalay
Masaya ka na kasama siya, yung bago mo
Pero ako ito parin hinihintay ang muling pag balik mo
Marami na nagsubok na ligawan ako, ngunit sila'y nabigo
Masaya naman ako na wala ka
Ngunit may mga panahon na hinihiling ko na sana'y nasa tabi kita
Ang hirap maghanap ng kapalit mo
Ganun ata talaga kapag natrato ng maayos
Kaya siguro hindi ka makalimutan ng lubos
Gusto ko na muling sumaya, kahit sa piling na ng iba
Sigurado na ako sa aking desisyon
Ako'y magmamahal muli pagdating ng tamang panahon
Pero sa ngayon ay kakalimutan muna kita
Ayoko man pero sa tingin ko iyon ang tama
Mahal kita, sobra sobra
Kaya grabe rin yung sakit nang mawala ka
Sana may masaya ka sa piling niya
Tatratuhin ka ng tama, hindi tulad ng aking nagawa
Mahalin mo sana siya tulad ng pagmamahal mo sakin
Hindi sana kayo matulad ng nangyari sa atin
Huwag na sana tayo magkitang muli
Dahil baka ako ay hindi na makapag timpi
Note: naging busy ako these past few months and I am also writing my short story that should be published soon. Nangangalawang na rin ako sa pag gawa ng tula kaya sana'y inyong maintindihan, kaunting panahon lamang at ako ay gagaling muli sa pag gawa.
Thank you.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
ŞiirI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...