Mahal kita,mahal mo ako
Pero bakit mo ako iniwan?
iniwang nasasaktan
nasasaktan ako dahil sayo
dahil sayo lalo akong natakot
natakot na magmahal muli,
muling buksan ang pusong nadurog
Hindi na alam kung paano pa mabubuo
Bakit ka bumitaw?
bakit mo ako sinukuan?
Marami akong tanong
mga tanong na gusto ko itanong sayo
Nagbabakasakali na maunawaan ko
maunawaan ko kung bakit mo ako iniwan!
masakit! sobrang sakit!
sobrang sakit ng ginawa mo sakin!
subalit wala na akong magagawa
walang magagawa dahil mahal mo siya
Siya na nagpapasaya sayo
Ng higit pa sa pagpapasaya ko sayo
mahirap man gawin
pero kailangan pilitin
ika'y kailangan nang kalimutan
hanggang sa muli aking mahal
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...
