Ligaya

18 1 0
                                        


NOTE: This is the first draft of this poem. I just wanna post it coz why not?



Ilang buwan na simula noong niligawan kita

Hangad lamang ay ang mapasaya ka

Walang anumang intensyon na saktan ka

Gusto ko lamang ay lumigaya ka


Ginagawa ko ang lahat para sa iyo

Kahit thesis mo ay gagawin ko

Huwag mo naman sana ipag-kait

Ang sagot na hinihintay ko mula sa iyo


Asahan mo na iibigin ka

Mapa tanghali, gabi man o umaga

Huwag ka naman sana magtanong o magduda

Sapagkat pagmamahal ko sayo'y walang pangamba


Hindi naman ako manyakis tulad ng iba

Pinapangako ko sayo, laging igagalang ka

Sagutin mo lang ako

Hindi ka na muling luluha pa


Mararanasan mo rin paano lumigaya

Asahan mo na laging iibigin ka

Walang hangad na maghanap pa ng iba

Ang gusto ko lang ay makasama ka





Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon