"Huwag kang maniwala kapag sinabi niyang okay lang siya, nakasuot siya ng maskara para itago ang lungkot niya"Parati siyang nakangiti, masaya
Halata rin iyon sa mga mata niya
Handa siyang tumulong kapag ika'y may problema
Pero sa likod ng mga ngiti at pagtulong niya
Ay siyang problemang hinaharap niya mag isa
Gabi-gabi kung saktan ang sarili
Gustong humingi ng tulong ngunit hindi masabi
Nag-aalala na baka siya ay husgahan
Dahil sa problema na kanyang pinag dadaanan
Kaya sabi sa sarili 'hindi ko naman kailangan magsabi'
Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya
Hanggang sa nakita na ng pamilya niya
Imbis na tanongin kung okay lang ba siya
Narinig niya ay 'tigilan mo yan, papansin ka'
Napatanong sa sarili 'pamilya ko ba talaga sila?'
Makalipas ang ilang linggo ay nag iba siya
Ang dating masaya't nakangiti ay malungkot na
Hindi maka-usap at laging nakatulala
Kaya naman mga kaibigan niya ay nag-alala na
'Uy, okay ka lang ba? Pwede mo sabihin samin kung may problema ka'
Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya
Sabay tayo at lakad papalayo
Nagtataka kung bakit nag iba siya
Ibang iba sa pagkakakilala ninyo
Ibang iba sa dating kaibigan ninyo
Kinabukasan ay nakita niyo siya
Nakangiti at masaya na
Ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata
Kaya naman tumayo ang isa niyong kaibigan at nilapitan siya
"Pwede mo na tanggalin yang maskara, alam namin may problema ka"
At doon tumulo ang mga luha niya
Halata sa pag iyak niya ang problema na hinaharap mag-isa
'Gusto ko nang sumuko, ayoko na'
Hindi niyo alam ang gagawin kaya naman ay niyakap niyo siya
'Nandito lang kami huwag kang mag alala'
Kinausap niyo siya na kumalma
'Mga kaibigan mo kami, pwede sabihan ng problema'
Hindi porket lagi kang nakangiti at masaya ay wala ka ng problema
Alalahanin mo may mga kaibigan ka
Hinding hindi ka nag-iisa
Note: pagpasensyahan niyo na if di maayos, just wanted to post it. Nasulat ko yan after having a mental breakdown last night so yeah, thank you for reading though.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...