Pagkakataon

21 0 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko hindi na ako mag-mamahal
Wala na sa isip ko ang magpakasal
Ayoko na kasing masaktan pa
Paulit-ulit na lang, nakakasawa na

Pero heto ako nalilito
Di alam kung itong nadarama ba ay totoo
O di kaya'y dala lang ng tukso
Hindi ko na alam ang gagawin ko

Matagal ka na sa akin naghihintay
Laging pinapakita na pag-ibig mo'y tunay
Hindi ko na alam ang gagawin
Sapagkat 'di rin alam ang sasabihin

May gusto ba talaga ako sayo o wala?
Ayaw man kita paasahin
Ngunit nalilito parin sa damdamin
Tulungan mo naman ako, hindi ko 'to kaya ng mag-isa

Lagi kang anjan sa tuwing ako'y lumuluha
Anjan ka rin sa tuwing ako'y may problema
Tunay na maaasahan ka nga
Kahit pa ika'y bumiyahe para lang ako'y makita

Kaibigan lang ba ang turing ko sayo?
O baka naman ay may gusto na ako sayo?
Hindi ko lang siguro malaman ang totoo
Nakakulong pa kasi ako sa sarili kong pangako

Ayaw na kitang pakawalan pa
Kaya naman ako'y muling susugal
Panghahawakan ang iyong ipinadarama
Diba sabi mo matagal mo na akong mahal?

Kung 'di man tayo sa huli
Hindi ito pwede isisi
Sapagkat pareho nating desisyon ito
Alam ko naman kakayanin natin ito

Huwag mo sayangin ang iyong pagkakataon
Wag mo gayahin ang ginawa nila sa akin noon
Alam ko mas matino ka kaysa sa kanila
Kaya naman ay inaasahan kita

Huwag ka sana magbago
Kapag nakilala mo na ang totoong ako
Sadyang palatago lang talaga ako
Kaya baka hindi mo pa kilala ang totoong ako

Alam ko ito'y kakayanin natin
Kaya lalo natin pagtibayin
Itong nararamdaman natin
Upang mga pagsubok ay kayanin natin

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon