"Huwag mo siya paghintayin sayo, dahil baka sa huli wala na ang nararamdanan niya para sa iyo"
Lagi na lang akong naghihintay sayo
Gusto kang makausap kaso ayaw makaistorbo
Hinihingi ko lang ay onting oras mo
Baka nakakalimutan mo nobyo mo akoLagi ka na lang wala
Sa oras na kailangan ay wala
Kala ko ika'y masasandalan
Ngayon ako'y nasasaktanAno ba ako para sa iyo?
Laruan mo para sa isang laro
O tao na nobyo mo
Napakasama ng ugali moAko ay nagsasawa na
Ayoko na masaktan pa
Masyado mo akong sinanay
Mula ngayo'y hindi na ako maghihintayMasyado akong nasaktan
Ayoko man na ika'y iwan
Ngunit ito ay kailangan kong gawin
Dahil pakiramdam ko ika'y di na akinSalamat sa oras mo
Pinasaya mo ako ng totoo
Huwag na sana mangyari ito
Sa susunod na magiging nobyo moHuwag mo hintayin na siya'y magsawa
Dahil kapag siya ay nawala
Ay wala ka nang magagawa
Nasanay na siya na ika'y wala

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...