KAIBIGAN

421 5 0
                                    



dito tayo nagsimula
dito rin tayo nag wakas
nagsimula bilang magkaibigan
at nag tapos rin bilang magkaibigan
hanggang dito na lang ba tayo
kung meron nga bang "tayo"
bakit tayo humantong sa ganto
kung saan tayo nagsimula ay doon din tayo nag wakas
hanggang ngayon hindi ko tanggap
hindi ko tanggap na tayo'y magkaibigan
hindi na ba talaga pwede?
kailangan ko na bang tanggapin?
tanggapin na hanggang pagkakaibigan lamang talaga
akala ko ba tayo'y naka tadhana?
akala ko ba tayo'y para sa isat isa?
akala ko ba tayo lang dalawa?
pero bakit bigla kang napagod?
bakit bigla kang lumayo?
bakit ngayon tayo'y parehong nasasaktan?
ipaliwanag mo naman saakin
ipaliwanag mo nang malinawan ako
dahil kahit gising ako ay para akong binabangungot
kailangan ko na magising sa katotohanan na wala na talaga.
wala nang pag asa.
pero.
diba
sabi mo
babalik ka?
pero
nasan ka na?
masakit
masakit maghintay kahit alam kong wala na talaga.
siguro kailangan ko na talagang sumuko.
hindi ako susuko dahil mahina ako
susuko ako kasi
pagod na ako.
siguro dito lang talaga ang pahina para saatin
ang maging magkaibigan at hindi mag kasintahan
masakit pero kailangan tanggpin
mahal parin kita aking kaibigan pero paalam na.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon