Hindi ko inaasahan na hahantong tayo sa ganito
Akala ko ba okay tayo?
Diba tayo'y magkaibigan parin
Tulad ng napag usapan natin?Pero bakit ngayon
Todo ang paglayo mo sa akin 'di tulad noon
May nagawa ba akong mali sayo?
Kaya naman ay tinatrato mo ako ng ganito?Kausapin mo naman ako ng maayos
Hindi yung hinahayaan mo akong manghula
Hindi naman kasi ako manghuhula
Na malalaman lahat kahit hindi ka mag salitaAkala ko ba walang magbabago?
Akala ko ba ayos tayo?
Binigo mo na naman ako
Kasi bigla kang nagbagoKung paglayo sa akin ang gusto mo
Rerespetuhin ko 'yang desisyon mo
Pero ito ang tatandaan mo
Hindi na kita kilala mula ngayon

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...