"Ang hirap ng walang label sa pagmamahal"
yung pareho naman naming mahal ang isat isa pero hindi namin alam kung may kami ba o wala.Hanggang ngayon napapatanong parin ako sa sarili ko kung "may tayo ba?"
Kasi mahal naman natin ang isa't isa pero bat wala tayong label?
Naalala ko nagsimula ito noong nakita mo ako sa hallway umiiyak tapos tinanong mo ako "okay ka lang ba?"
At dahil kaibigan kita sinabi ko ang totoo. Naiintindihan mo ako at sinabing "tahan na nandito lang ako" pinagaan mo ang loob ko at pinasaya. Nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita.Kinabukasan nakita kita sa labas ng room namin may dalang pagkain at tubig,inexcuse mo pa ako para lang ako'y makalabas. Pagkalabas ko nagtanong ako sayo "diba may klase ka?" natuwa ako sa sinabi mong "oo nga pero baka hindi ka pa kumakain" sa pangalawang pagkakataon napasaya mo na naman ako.Sinaluhan mo ako sa pagkaing dinala mo at nang matapos tayo kumain nagpasalamat ako at sinabing "Buti na lang at naging kaibigan kita".Halos araw araw mo ako dinadalhan ng pagkain sa room namin para lang makasigurado na kakain ako, napaisip ako noon kung bakit ka ganon ka sweet samantalang dati ay palagi kang galit. Makalipas ang ilang araw unti unti na, unti unti na akong nahuhulog. Mahirap, napakahirap! napakabilis ng mga araw at hindi ko namalayan na nasanay na akong lagi kang nasatabi ko,naalala ko pa nga noong isang gabi nagtanong ka sakin "may boyfriend ka na?" ang tanga ko umasa ako na may gusto karin sakin sinagot ko ang tanong mo sabi ko "wala" akala ko eto na yon! magtatapat ka na, may pag asa! pero mali ako.. imbis na marinig kong sagot mo ay "pwede ba?" "may pag asa ba?" iba ang aking narinig "ahh sige uwi na tayo gabi na" masakit pero sabi ko sa sarili ko okay lang yan baka hindi pa siya handa. Kinabukasan tuwang tuwa pa ako pumasok non kasi akala ko totoo na talaga na may gusto ka rin sakin,na hindi lang ito one-sided-love.Pero mali na naman ako,pinuntahan kita sa tambayan natin nakita ko may kayakap kang ibang babae tinanong kita "oy! siyo siya?" ngiting ngiti ka pa habang sinasabing "girlfriend ko nga pala" anong nangyari? akala ko ako? akala ko tayo? pero bat naging kayo?. Kaya tinapat na kita sabi ko "oy wala namang biruan" sabi mo naman "hindi to biro" ang sakit pero pinilit kong ngumiti "akala ko may pag asa, may pag asang maging tayo pero akala ko lang pala iyon" tumawa ka at sinabing "ikaw ata itong nagbibiro eh" sa sobrang inis ko sinabi kong "may gusto ako sayo hindi mo ba nahahalata?" nawala ang ngiti mo sa iyong mukha "mahal kita pero hanggang pagiging kaibigan lang iyon,patawad" ang sakit! parang binibiyak itong puso ko sa sakit "okay lang,congrats pala" tsaka naglakad papalayo hindi pa ako nakakalayo ng sinabi mong "Bukas ah dito ulit sa tambayan!" hindi na kita nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. Masakit man pero kailangan ko nang umiwas,nang sa gayon ang sakit ay maghilom. Ang hirap ng walang label ang pagmamahal, yung mahal nyo nga yung isa't isa pero para sa kanya hanggang pagkakaibigan lang pala.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...