Maraming beses na tayo nag away
Sinubukan ko na rin makipag hiwalay
Pero wala, hindi ko kaya
Makalipas ang ilang araw o linggo
Bumabalik parin ako sayo
Wala eh, mahal kita
Alam kong hirap ka na
Ikaw na lang ang laging umuunawa
Pasensya ka na sa aking mga ginagawa
Sinusubukan ko naman
Kahit pa ako'y nahihirapan
Ngunit pilit akong binabalik sa aking nakaraan
Sayo lang ako lubusang sumaya
Kahit pa hindi tayo madalas magkita
Kahit pa hindi ganun karami yung oras na pwede tayong magsama
Kasi alam ko na totoo ka
Hindi ko kailangan magpanggap
Alam ko naman ako'y iyong tanggap
Naalala ko yung yakap mo kagabi
Kita ko rin yung patago mong pagngiti
Gusto ko umiyak ngunit pilit kong pinipigilan
Paano mo nagagawang ngumiti kahit pa ika'y nahihirapan?
Paano kita magagawang layuan, kung lagi kang pumapasok sa aking isipan?
Paki sabi naman, ayaw na kitang pahirapan pa
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...
