Isang taon na pala
Noong ika'y huling nakita
Nakahiga sa kama, pikit ang mga mata
At di na muling babangon pa
Hanggang ngayon ay hindi makawala
Sa mga pangakong nasira
Sa mga planong hindi na magagawa
Sa taong patay na pero mahal ko pa
Binabalikan ang mga ala-ala na kasama ka
Dahil doon na lamang ako sumasaya
Naaalala mo pa ba ang una nating pagkikita
Hindi ko inaasahan na mamahalin pala kita
Ngunit hindi lahat ng iniwan mong ala-ala ay masaya
Yung iba grabe parin akong pinapaluha
Naalala mo pa ba noong nagkasakit ka
Grabe ang aking pagluha sapagkat ika'y ayaw mawala
Kaya naman lahat ay ating ginawa
Para lang magtagal ka pa
Hinarap natin nang magkasama
Kahit mahirap ay kinakaya
Ngunit tayo'y nabigo
Dahil ang katawan mo'y sumuko
Kaya naman ako'y nanlumo
Nang malaman na ilang linggo na lamang itatagal mo
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Napapagod na ako ngunit hindi susuko
Kaya naman ginawa ako lahat ng kaya ko
Mapasaya ka lang hanggang sa huling araw mo
Akala ko ba walang iwanan
Pero bakit iniwan mo ako ng luhaan?
Ang tagal na ngunit hindi ko parin makalimutan
Ang sakit ng iyong paglisan
Hanggang ngayon mahal parin kita
Wala sa plano ko ang maghanap ng iba
Hinihiling na sana ika'y masaya
Kahit pa hindi na tayo magkasama pa
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesiaI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...
