Salamat sa oras na iyong inilaan
Hindi kita malilimutan
Kahit masakit ang katapusan
May masaya paring alalang babalikan
Gusto ko lang magpakatotoo
Kaya hindi na kita niloko
Ayoko mang saktan ka
Patawad dahil nagawa ko na
Wala ka ng oras para sakin
Madalas kausap ko na lang ay hangin
Mabuti kang tao totoo iyon
Pero hindi ko alam kung ano yung nangyari ngayon
Bigla ka na lang nagbago
Laging kausap ang mga kalaro mo
Nakalimutan mo atang may jowa ka
Dahil kung tratuhin mo ko ay parang yaya
Sobrang bigat ng pakiramdam ko
Para bang wala lang ako para sa iyo
Doon ko sinimulan mag hanap
Sa kay tagal tagal ng aking pag hahanap
Hindi ko alam kasama ko na pala
Patawad nahulog ako sa iyong tropa
Paano ba naman siya na lang lagi kong kasama
Kaya't sa huli nasanay ako ng wala ka
Ayoko na itong itago pa
Kaya nama'y sinabi ko na
'may gusto ako sa iyong tropa'
Patawad pero ako'y nakikipaghiwalay na
Sa kay tagal ng ating pinagsamahan
Laro lang pala ang sisira sa ating pagmamahalan
Sa susunod na mag jojowa ka
Please lang mahalin mo siya
Bigyan mo siya ng oras mo
Para hindi siya sumuko
Katulad na lang ng ginawa ko
Sa isang lalakeng tulad mo
------------
Note:
I am sorry if magulo yung poem na to, it just came inside my mind and i just typed it. Feel free to criticize I would appreciate it.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaI already have many swp (spoken word poetry) in my draft so why not post it right? #12 in spoken (07-24-2020) #32 in spoken word (08-09-2020) #15 in spoken (08-16-2020) #12 in spoken (01-04-2021) #15 in spoken (01-11-2021) #8 in spoken word (04-17-2...
