Ikadalawangput apat na yugto

940 21 0
                                    

Minulat ni Prinsesa Kisha ang kanyang mga mata iniunat ang kanyang mga braso saka sya tumayo at dumungaw sa bintana na nasa kanyang kwarto.

Dinama nya ang malamig na simoy ng hangin at pinagmasdan ang napakagandang tanawin sa kanyang harapan.

Maya maya pa'y bigla syang naluha naalala nya kasi ang kanyang Mama at Papa ang kanyang Inang Reyna at Amang Hari pati na rin si Althea at ang kanilang munting tahanan at sympre ang palasyo.

"sana okey lang sila sana maayos sila ngayom" ani Prinsesa Kisha sa sarili.

At mas lalong namimiss nya ay ang kanyang mahal na si Froilan.

"kamusta kana kaya miss na miss na kita" bulong ni Prinsesa Kisha sa kanyang sarili habang pinagmamasdan nya ang paghampas ng hangin bigla namang bumulaga sa kanya si Prinsipe Rai na may dalang mga rosas kanina pa pala ito nakamasid sa kanya.

"magagandang bulaklak para sa magandang Prinsesa" sabi ni Prinsipe Rai habang inaabot sa Prinsesa ang mga bulaklak.

"Maraming Salamat mahal na Prinsipe ako'y napasaya mo ngayon" sabi ng Prinsesa.

Natuwa naman si Prinsipe Rai sa sinabing yon ng Prinsesa.

Pagkatapos nilang mag almusal ay niyaya ni Prinsipe Rai si Prinsesa Kisha na mamasyal pumayag naman ang Prinsesa.

Buong araw silang namasyal masaya ang Prinsesa dahil kahit paano nawala ang lungkot nya.

Samantala nakarating na sa Kaharian ng Maraundo ang sinugo ni Reyna Roshanna para alamin ang lagay ng kaharian at dahil wala syang kakilala nakikinig sya sa usapan ng mga tao doon para makakuha sya ng impormasyon.

Sa kanyang paghahanap sa kaharian di nya napansin na napalayo na pala sya sa bayan at nandoon na sa may kakahuyan.

Kabisado naman nya ang gubat dahil ganon din sa kanila kaya di na sya natatakot.

Maya maya pa'y may narinig syang babaing sumisigaw

"huwag maawa kayo wag kayong lalapit" narinig nyang sabi ng babae.

May narinig din syang boses ng mga lalaking nagtatawanam at tila may gustong gawing masama sa babae.

Agad itong hinanap ng kawal at nang matagpuan nya'y agad nyang sinugod ang mga lalake at itinaboy sila.

"ayos ka lang ba?" tanong ng kawal sa babae.

"ayos lang ako maraming salamat sa iyong tulong" nakangiting sabi ng babae.

"ano ang iyong pangalan?" tanong ng kawal.

"Althea ikaw?" sabi ni Althea.

"Leon nga pala" sabi ng kawal sabay taas ng kanyang kamay para kamayan si Althea.

"hmmm ngayon pa lang kita nakita dito dayo ka ba?" tanong ni Althea.

"hindi ako taga dito nagmula ako sa Kaharian ng mga bulaklak inutusan akong pumunta dito para alamin ang lagay ng kaharian" paliwanag ni Leon.

"kaharian ng bulaklak yan ang lugar ng aking Ina" naiiyak na sabi ni Althea.

"sya nga! nasa amin ang inyong Prinsesa" sabi ni Leon.

"halika bumalik na tayo sa kaharian nyo para makita ko sya at ako na ang magsasabi sa kanya" masayang sabi ni Althea.

Dahil may kapangyarihan si Althea isang pitik lang at sila ay naglaho at muling nakabalik sa Kaharian ng mga bulaklak.

Namangha si Althea sa ganda ng kanyang nakita.

"ito pala ang lugar ng aking ina ang ganda!" ani Althea sa sarili"

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon