Epilogue

1.4K 30 2
                                    

Pagkalipas ng limang taon

Masaya ang pagsasama nina Reyna Kisha at Haring Rai biniyayaan sila ng isang anak.

Si Althea naman ay kinasal kay Leon at mayron din silang isang anak habang si Tandang Kaide ay pumanaw na pagkatapos ng kasal ni Althea dahil sa katandaan kaya si Althea na ang nagpatuloy sa mga ginagawa ng kanyang Tita at nakatira sila sa Palasyo kasama nina Reyna Kisha at Haring Rai.

Ang mga Hari at Reyna naman ay nakatira na sa isang tahimik na lugar sa kaharian pero dumadalaw pa rin sila sa palasyo kapag may okasyon.

Sina Miros naman ay naninirahan pa rin sa kanilang bahay at silang magkakapatid ay mga kawal ng palasyo si Wansa at Froilan naman ay nakabukod ang tirahan pero hindi naging maganda ang kanilang pagsasama naging busy kasi sila sa pagtatrabaho kaya wala na silang oras para sa kanilang anak si Winona ang nag aalaga sa bata palagi nya itong pinapasyal sa palasyo kalaro ang anak ni Althea at ang munting Prinsesa.

Naging matalik na magkaibigan ang tatlo at nagsumpaan pa sila na walang iwanan kahit ano pa ang mangyari.

Di nagtagal nagpasya si Froilan at Wansa na maghiwalay na lang dahil hindi naman sila magkasundo kaya bumalik na si Froilan sa mundo ng mga tao para doon magsimula ng bagong buhay habang sina Wansa naman ay sa palasyo na rin nakatira. Sina Raul at Linda naman ay bumalik na sa kanilang lugar sa Arabia pero bago tuluyang umalis ay ibinalik nila ang mga ginto na binigay sa kanila noon kasama ng Prinsesa noong sanggol pa ito.

walang bawas ang mga gintong yon kaya nakatago ito sa isang sikretong lugar na tanging Hari at Reyna lang ang nakakaalam.

naging mapayapa na noon ang buong kaharian at mas lalo pa itong gumanda.

May mangilan ngilang tao ang nakakapasok sa kaharian na dumadaan sa matinding pagsusuri bago tuluyang makapasok.

Ilang taon pa ang nagdaan iba' ibang pagsubok din ang dumating sa kaharian at sa tuwing gusto nyang mapagisa pumupunta pa rin sya sa tambayan para doon umiyak at sa twing pumupunta sya doon nandoon din si Froilan at doon malaya silang nakakapag usap at nakakapagkwentuhan gaya ng dati doon din sila nagkaliwanagan sa mga nangyari noon.

Ang lihim na pagkikita nilang yon ay natuklasan mismo ni Haring Rai kaya pinapili sya nito.

Pinili pa rin ni Reyna Kisha ang kanyang pamilya at sumumpang hindi na magpapakita pa kay Froilan at dahil dito muling ipinasara ng Hari ang kaharian sa mga tao at wala ni isa man ang nakakapasok pa sa lugar na yon.

Sa mga panahong lumilipas tanging alaala ng nakaraan ang laging nasa isip nila at umaasang balang araw matutuloy pa rin ang naudlot nilang pag iibigan hindi man sila nagkatuluyan mga anak naman nila ang tumuloy ng kanilang nasimulang pag ibig.

W A K A S

Abangan po ang aking susunod na kwento sana po nagustuhan niyo po ang aking unang kwento.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon