Nang marating ni Froilan ang dulo ng lagusan ay namangha sya sa ganda ng buong paligid at humahalimuyak ang amoy ng mga bulaklak na tila ba bumabati sa kanya sa kanyang pagdating.
Naglakad lakad si Froilan sa lugar na yon nang makakita sya ng malaking puno ay umakyat sya dito saka nya kinausap si Miros ang salaming hawak nya na nakuha nya kay Katana.
"ikaw si Miros diba? magsalita ka nga at kausapin mo ako" sabi ni Froilan na nakatingin sa salamin.
Maya maya pa'y umilaw ang salamin at nagsalita
"ano ang maipaglilingkod ko sayo?" tanong nito sa kanya.
"paano ka nakakapagsalita?" nagtatakang tanong ni Froilan sa kanya.
"isinumpa ako ng mangkukulam na si Julyn pati ang kapatid kong si Bruno" sagot ni Miros sa kanya.
"si Bruno? yung tao na nagiging ibong itim na kasintahan ni Althea?" sabi ni Froilan.
"oo sya nga kilala mo sya?" tanong ni Miros.
"oo kilala ko sya lagi silang magkasama ni Althea at ng Prinsesa kapag dumadalaw sila sa amin" sagot ni Froilan.
"talaga ba? sana madala mo ako kay bruno gusto ko nang makasamang muli ang aking kapatid nangungulila ako ng husto sa kanya"
"hayaan mo pangako ko yan sayo madadala kita sa kanya" sabi ni Froilan
"magtago ka may mga parating" sabi ni Miros kay Froilan.
Agad namang sinunod ni Froilan ang sinabi ni Miros.
Nagtago sya sa mayayabong dahon ng puno kung saan sya umakyat.
Maya maya'y dumating ang grupo ni Wansa para magronda sa lugar na yon lingid sa kanilang kaalaman pinagmamasdan sila ni Froilan mula sa taas.
Napatingin si Froilan kay Wansa na talaga namang napakaganda humanga sya sa dalagang nakita kaya naman sinusundan nya ang mga galaw nito.
Nagwawala naman si Katana sa sobrang galit nang matuklasang wala na ang kanyang mahiwagang salamin.
"sinong lapastangan ang pumunta sa aking silid humanda ka ka pag nahuli kita kukunin ko ang iyong buhay!" sigaw ni Katana na galit na galit nang mga oras na iyon.
Samantala nakarating na si Prinsesa Kisha, Althea, Leon at Prinsipe Rai sa lugar ng mga magulang ni Althea para hanapin ang dakilang mangkukulam na si Tandang Kaide.
Nagsimula silang ipagtanong sa mga tao ang kinaroroonan ng matanda pero walang nakakakilala sa kanya.
Sumapit na ang dilim pero bigo silang mahanap si Tandang Kaide.
Sa paghahanap nila ay napadpad sila sa isang magandang lugar naisipan nila na doon na magpalipas ng gabi.
May namataan silang isang bahay na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak.
Lumalamig na ang buong paligid kaya naglakas loob silang katukin ang bahay para makituloy.
Kinatok nila ang pintuan ng bahay laking gulat nila ng makitang isang aso ang nagbukas sa kanila.
"wishart sino ang kumakatok?" tanong ng kanyang amo na isang matanda na naglalakad papunta sa pinto.
Tumahol tahol lang ang asong si wishart na tila ba may sinasabi sa kanyang amo na para bang naintindihan ng matanda kaya ngumiti ito sa kanila.
"ano ang maipaglilingkod ko?" tanong sa kanila ng matanda nang makalapit ito sa kanila.
"ah Lola baka po pwede kaming makituloy may hinahanap po kasi kami pero naligaw kami" paliwanag ni Prinsesa Kisha.
