Ikalabing anim na yugto

989 22 0
                                    

PATULOY pa rin sa paglipad si Bruno lingid sa kanyang kaalaman na sinusundan na pala sya ni Althea.
Nakaramdam ng matinding pagod si Bruno kaya naghanap sya ng lugar na pwedeng pagpahingahan.
Bago sya magpahinga ay nag anyong tao muna sya tapos ay sumandal sya sa puno at agad nakatulog.
Pagmulat ng kanyang mga mata iginala nya agad ang mga ito.
"nasaan na kaya ako? anong lugar to?" tanong nya agad sa kanyang sarili.
Nagising kasi sya na nasa magandang kwarto at nakahiga sa maganda at malambot na kama at napapalibutan pa ng ginto.
Tumayo sya at nagunat ng kanyang katawan nakita nyang may bintana kaya dumungaw sya dito.
"ang ganda naman! nasaang lugar na kaya ako" muli nyang tanong sa kanyang sarili.
Habang pinagmamasdan nya ang kagandahan ng paligid, bigla na lang pumatak ang kanyang mga luha.
"namimiss ko na sina Mama at Papa kamusta na kaya sila hinahanap kaya nila ako ngayon? sana okey lang sila"
Nagmamasid pa rin sya sa bintana ng biglang may pumasok na kasambahay.
"hello gising ka na pala" bungad ni Yanna habang nag aayos ng pinaghigaan nya.
Agad syang lumapit dito at nagtanong.
"hello kamusta pwedeng malaman kung nasaan ako?"
tanong nya kay Yanna
"nandito ka sa aming Kaharian sa Kaharian ng Maraundo.
Nakita ka kasi ng aming Mahal na Prinsipe na natutulog sa ilalim ng puno baka kasi anong mangyari sayo don kaya dinala ka nya dito" sagot ni Yanna.
"talaga wala na akong maalala maraming salamat sa pagpatulog nyo sakin dito" nakangiti nyang sagot.
"alam ko di ka pamilyar sakin siguro dayo ka no" anong pangalan mo?"
"Joyce ang pangalan ko ewan di ko alam bigla na lang akong napadpad dito eh" sagot nya.
"o heto magbihis ka muna lalabas tayo para makakain ka"
Agad kinuha ni Joyce ang iniabot ni Yanna na pambihis nag ayos sya pagkatapos ay lumabas na sila ng kwarto.
Manghang mangha si Joyce sa mga nakikita nya habang naglalakad sila papunta sa kainan.
"dati sa story book ko lang ito nababasa di ko akalaing totoo pala to grabe!" bulong nya sa sarili.
"halika dito umupo ka na" sabi ni Yanna hababg hinihila ang upuan.
Nagulat si Joyce sa ganda ng kakainan nya bukod sa maraming pagkaing nakahain at talagang masasarap pa'y nababalutan pa ito ng ginto pati ang mga plato at kubyertos na gagamintin nya ay ginto din.
"wow! talaga bang dito ako kakain?" tanong nyang muli kay Yanna.
"oo Joyce kaya maupo kana at kumain kana bago pa lumamig ang mga yan"
kaya naupo na si Joyce at nagsimula ng kumain.
masaya syang kumakain ng mapansin nyang tinitingnan siya ng mga kasambahay na nandon at napansin nyang masyadong malaki ang kanyang kinakainan tapos sya lang ang kumakain at dahil don nawalan sya ng gana at biglang sumimangot.
"bakit di mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong agad ni Yanna.
"hindi naman sa ganon hindi lang kasi ako sanay na kumain mag isa pwede nyo ba akong samahan kumain?" malungkot na sabi nya kay Yanna.
"naku Joyce hindi ka namin pwedeng samahan sa pagkain bawal kasi samin dito eh"
"sise na please samahan nyo nako pleeeeeeeeeeas"pakiusap nya.
nagkatinginan ang mga kasambahay na nandon nagdadalawang isip sila kung gagawin ba nila o hindi pero dahil sa pagpupumilit ng dalaga ay naupo na sila sa mesa at kumain na rin.
tuwang tuwa naman ang dalaga kaya ginanahan syang muli sa pagkain.
habang kumakain ay nakipagkwentuhan naman sya kina Yanna at sa mga kasamahan nya giliw na giliw sya sa pakikinig sa mga ito.
dahil sa masayang kwentuhan nila di nila napansin na ubos na pala lahat ng nakahain.
"maraming salamat po sa masayang kwentuhan habang kumakain" sabi nya sa mga kasabay nya sabay ngiti sa mga ito.
inihatid syang muli ni Yanna sa kwarto para makapagpahinga na ito.
Nakaupo si Joyce sa kama at nakatanaw sa bintana muli nyang tinanaw ang magandang tanawin sa labas at dinama ang malanig na simoy na hangin na nagmumula dito.
nasa ganon syang sitwasyon ng muling pumasok si Yanna may dala dala itong mga damit.
"maggayak ka pinapatawag ka ng Mahal na Hari at Reyna" sabi ni Yanna sabay abot ng mga damit sa dalaga.
"dapat maging maganda ka sa harap nila gusto mo tulungan kitang maggayak?" dagdag pa ni Yanna.
"sige" sagot ng dalaga.
tumagal ng halos isang oras ang paggagayak ni Joyce at ng matapos na ay manghang mangha si Yanna sa ganda nito.
"wow! ang ganda ganda mo! para kang isang Prinsesa alam mo kamukha mo yung Reyna ng mga diwata si Reyna Kalina kapatid sya ng Reyna namin dito si Reyna Katleya"
nang marinig yon ni Joyce ay naalala nya ang sinabi sa kanya ng Mama't Papa nya tungkol sa tunay nyang mga Magulang at kung saan sya nagmula.
Habang naglalakad sila papunta sa lugar kung saan nadon ang Hari at Reyna, ay napaisip sya

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon