"Tuloy na ba ang alis mo?" malungkot natanong ni Joyce sa best friend na si Froilan habang nag aayos ito ng mga gamit nya.
Pupunta na si Froilan sa Maynila don sya titira sa Lolo at Lola nya don na din sya mag aaral ng college.
"Oo eh kailangan kong gawin to" mahinang sagot ng binata.
Napaiyak na lang si Joyce, "iiwan mo na ba talaga ako?"
"Gagawin ko to para makapagsimula akong muli huwag kang mag alala babalik naman ako eh babalikan kita." sabi ni Froilan.
"sorry ah dahil sakin kaya naging miserable ang buhay mo ngayon."
naiiyak na sabi ni Joyce.
"ssssshhhh ano ka ba walang may gusto namangyari un wag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan." sabi ni Froilan.
Matapos magimpake ni Froilan tumayo ito at pinuntahan si Joyce na umiiyak malapit sa kanya at niyakap nya ito.
"aalagaan mo ang sarili mo ah." paalala nito.
"ikaw din mamimiss kita best" umiiyak nyang sabi.
"magiingat ka wag kang mag alala babalik ako at pagbalik ko pormal nakong manliligaw sayo"
nakangiti nyang sabi.
"maraming magaganda sa Maynila pano ako makakasiguro na babalikan mo nga ako?" tanong ni Joyce.
"huwag kang mag alala ikaw lang ang nagiisang mahal ko at pakamamahalin ko habang ako'y nabubuhay tandaan mo yan Joyce" sabi ni Froilan.
"panghahawakan kong lahat yan best" sabay yakap sa kanyang bestfriend.
Umalis na nga si Froilan papuntang Maynila sumabay na sya kay Salvador na pauwi na rin. Malapit lang kasi sa kanila ang bahay natutuluyan nya.
NAKADUNGAW sa bintana ng kanyang kwarto si Joyce.
Pinagmamasdan ang mga bituin sa langit ngbiglang may nakita syang bulalakaw at humiling sya rito na sana okey lang si Froilan sa Maynila.
Si Froilan naman ay nakadungaw din sa bintana at nakatingin sa kalangitan may nakita din itong bulalakaw at humiling din sya na sana okey lang ang mahal nya na miss na miss na nya.
Simula ng magkahiwalay sila naging malungkutin na si Joyce.
Hinahanap hanap nya ang kanyang bestfriend nasanay kasi ito na laging nasa tabi nya. Ngayong wala na ito di nya alam kungpapanong magsisimulang muli.
Nagpunta si Joyce sa Celap nila ni Froilan ang kanilang tambayan.
Maya maya pa ay tumulo na ang kanyang luha sumandal sya sa malaking puno nang may napansin syang nakaukit dito.
"I love you Joyce"
yan ang nakaukit sa puno. Iniukit yan ni Froilan isang araw bago sya umalis.
Sa sobrang lungkot ni Joyce ay umiiyak nalang ito.
"sana maubos na lahat ng luha ko hanggang sa wala nakong maiyak para mawala na rin ang sama ng loob ko" sabi nya sa sarili.
Nasa ganon syang sitwasyon ng biglang umilaw ang kwintas nya. Nakakasilaw na liwanag nang ito'y maglaho lumitaw ang isang magandang diwata at may pagkakahawig sila ni Joyce.
"Si-si-sino ka?" tanong nya.
"ako si Althea at ako ang iyong bantay at tagapag alaga" sagot ng diwata.
"Teka teka ikaw yung nagsasalita sa kwintas ko?" pagtataka nyang tanong.
"Opo Mahal na Prinsesa ako nga" sagot nya.
"teka teka anong Prinsesa?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"alam ko nakakaranas ka ng matinding kalungkutan ngayon pero huwag po kayong mag alala marami kaming nagmamahal sayo huwag mo sanang kalimutan yon"
Dahil sa sinabing yon ng diwata ay gumaan ang loob ni Joyce.
"pahirin mo na ang iyong luha Mahal na Prinsesa umuwi kana sa inyo at naghihintay na sila sayo"
"maraming salamat Althea sa pagbabantay mo sakin at sa pagbibigay mo sakin lagi ng babala at sa pagpapagaan ng aking loob pwede ba kitang yakapin?"
"sige po"
Niyakap ni Joyce ang diwata.
"teka! Bakit moko tinatawag na Prinsesa?"
"malalaman mo rin sa tamang panahon ang mga magulang mo ang magsasabi nyan sayo"
"sige maraming salamat Althea."
Naglahona ang Diwata at umuwi na si Joyce.
MAMA, Papa, tawag ni Joyce sa mga magulang pagdating nya ng bahay.
Natagpuan nya sila na nasa sala at hinihintay ang pagdating nya.
"anak!" sabay tayo nila.
Lumapit sa kanila ang dalaga at niyakap sila.
"sorry Mama Papa pinag alala ko po ba kayo?"
"hindi anak alam namin na may pinagdadaanan ka ngayon kaya hinayaan kamuna namin"
"alam din namin malalagpasan mo yan dahil matapang ka diba?" sabi ng Mama at Papa nya.
"salamat po sa inyo Mama Papanapakamaunawain nyo po talaga kaya ngasobrang mahal ko kayo" niyakap pa nga ng mahigpit ang kanyang mga Magulang at ganon din sila sa kanya.
"halika na kain na tayo" yaya ni Linda kaya naupo na sila at kumain na ng hapunan.
Sinamahan nila si Joyce sa kanyang bagong kwarto at dahil malaki na ito, binigyan na syang kwarto nyang sarili.
"Anak nagustuhan mo ba ang kwarto mo?"
"Opo Mama ang ganda! salamat po Ah Mama Papa alam nyo po may nakilala ako kanina Althea ang pangalan nya isang Diwata sya yung nandito sa loob ng kwintas ko."
"Talaga anak?" nagkatinginan ang mag asawa.
"Opo sabi nya sya daw ang taga bantay koparang guardian angel tapos tinawag nya kong Prinsesa"
"bakit ayaw mo ba Prinsesa ka naman talaga namin ah"
"siyempre gusto ang sarap nga pakinggan eh"sabi ni Joyce na nakangiti."o sya sige na matulog kana Mahal naPrinsesa."sabay sabay silang nagdasal pagkatapos aymatulog na sila.