MALUNGKOT at balisa pa rin ang mag asawang Raul at
Linda dahil wala pa rin ang kanilang anak.
"sa susunod na linggo birthday na nya" umiiyak na sabi ni
Linda.
"huwag kang mag alala makikita din natin sya" sabi ni Raul
sa asawa.
Kasalukuyan sila noong nasa tambayan ni Joyce
nagbabakasakalikasi sila na bumalik doon si Joyce.
Araw araw ay naghihintay sila doon para salubungin ang
anak pagbalik nito.
Paalis na sila ng biglang dumating si Althea kasama si
Bruno.
"Althea ano nang balita sa anak ko?" tanong ni Raul.
"alam ko na kung saan makikita ang Prinsesa" sagot nya.
"talaga nakita nyo na anak ko!" sabi ni Linda na biglang
sumaya ang mukha.
"nandon na sya sa Kaharian ng Maraundo sa pangangalaga
ni Reyna Katleya at Haring Keiniel" paliwanag ni Bruno.
"talaga!" sagot ng mag asawa at dahil sa balitang ligtas si
Joyce ay masayang masaya sila para silang nabunutan ng
tinik.
"pupunta kami kay Reyna Katleya para ipaalam ang lahat
sa kanya" sabi ni Althea.
"baka naman pwede kaming sumama gusto naming makita
si Joyce" sabi ng mag asawa.
"mas makakabuti nga na sumama sila para mapatunayan
na si Joyce ang Prinsesa" sabi ni Bruno kay Althea.
"sige mas mabuti pa nga" sagot ni Althea.
"teka ang kwintas na sainyo ba?"tanong nyang muli.
"oo heto" sabi ni Raul sabay abot ng kwintas kay Althea.
Kinuha nya ito at iniwagayway at sila'y nawala.
********************
Samantala may dalawang itim na ibon na nakasaksi sa pag
uusap nina Althea, Bruno, at mag asawang Raul at Linda.
Agad silang pumunta sa kweba kung saan nandon si Julyn
at inilahad nila ang lahat sa kanya. Galit na galit naman ito
lalo na nang malaman na nataksil si Bruno sa kanya.
"mga kampon ko magsilabas kayo!" sigaw nya.
Dumagundong ang buong kweba na parang magigiba at
isa isang nagsilabasan ang mga zombie mula sa ilalim ng
lupa.
Nang makalabas na ang lahat ay sinabuyan nya ito ng
pulbos na ginawa nya para lumakas sila at nagkaroon ng
kapangyarihan.
Matapos yon ay nagsalita sya sa harap nila.
"aking mga kampon susugod tayo sa kaharian ng
Maraundo para manggulo sa kanila at kuhain ang Prinsesa
at patayin! Humanda sila dahil matitikman nila ang aking
paghihiganti! Sigaw nya sabay tawa ng malakas.
"Humanda kayong lahat!" dugtong nya sa galit nya ay
dumagundong ulet ang kweba at biglang kumidlat.
*********************
Galing naman sa pangangabayo si Prinsipe Kyle nang
marinig ang magandang tinig ni Joyce na kasalukuyan pa
ring nakaupo sa itaas ng puno.
Hinanap ng Prinsipe kung saan nagmumula ang
magandang tinig na yon at natagpuan nga nya ito sa isa sa
mga puno na nandon.
Nasilayan ng Prinsipe ang magandang dalaga na
kumakanta sa puno at agad syang nabighani sa dalaga.
Nang matapos si Joyce sa pagkanta nya ay nagpasya
syang bumaba na sa puno ngunit sa di inaasahan
nagkamali sya ng tapak at syay nahulog.
Nakita iyon ng Prinsipe at agad syang sinalo nito.
Nagkatitigan ang dalawa ng ilang segundo pagkatapos ay
ibinaba na ng Prinsipe si Joyce.
"maraming salamat" nahihiya pang sabi nito.
"walang anuman" sagot ng Prinsipe sabay tanong.
"ano ang iyong pangalan mukhang hindi ka tagarito?"
"Joyce nga pala tama ka hindi ako taga dito" sabi nya.
"talaga! Pano ka nakarating dito?" usisa ng Prinsipe.
"mahabang kwento eh" nakangiti nyang sagot.
"pwede ba kitang samahan?" tanong ng Prinsipe.
"samahan saan?" nagtatakang tanong ni Joyce.
"dito habang naglalakad lakad tayo" sagot naman ng
Prinsipe.
Natawa ang dalaga sa sinabi ng Prinsipe.
"teka nga sandali sino ka ba?" usisa nya dito.
"ako nga pala si Prinsipe Kyle anak ako ni Reyna Katleya at
Haring Keiniel" sagot nya.
"ah ikaw pala ang anak ng Mahal na Reyna at Hari
ikinagagalak ko po kayong makilala kamahalan" sabi ng
dalaga at nagbigay galang sya dito.
Natawa naman ang Prinsipe sa ginawa ng dalaga.
Muling nagsalubong ang mga mata ng dalawa na animo'y
nangungusap.
"ang ganda nya talaga" sabi ng Prinsipe sa sarili.
Naglakad lakad ang dalawa habang nagkukwentuhan at
nagtatawanan pa nang biglang lumapit sa kanila ang isang
kawal.
"Mahal na Prinsipe!" sigaw ng kawal na hinihingal pa.
"anong problema kawal?" usisa nya.
"ang Kaharian po natin sinugod ng mangkukulam na si
Julyn tangay po nila ang Mahal na Reyna kasama yung
mga bisita.
"bisita sinong bisita? Gulat na sabi ng Prinsipe?"
"hindi ko po alam kailangan na po kayo sa Kaharian"
Nagmadali sila pabalik sa Kaharian at naabutan nga nila
itong magulo at parang dinaanan ng bagyo.
Naabutan din nila doon ang Hari na di malaman ang
gagawin.and
