Sa isang malayong lugar may isang mag asawa na dalawangpung taon ng kasal pero hindi pinalad na magkaroon ng anak. Marami na silang sinubukan ngunit sila'y nabigo. Pero hindi nila yon labis na kinalungkot alam kasi nila na may plano ang Panginoon para sa kanila.
Isang araw, bigla na lang may pumunta sa kanilang bahay na limang lalaki. Nakasuot sila ng mga kakaibang damit at halatang mula sila sa malayong lugar. May dala dala silang malalaking basket.
Nagtataka ang mag asawa kaya tinanong nila ang mga lalaki.
"Magandang araw po ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" magiliw na bati nina Raul at Linda.
"Nagmula kami sa isang malayong kaharian kung maaari sana ay bigyan nyo kami ng makakain at maiinom" sabi ng isa sa mga Lalake.
Kaya nagdali dali ang mag asawa at inasikaso sila binigyan sila ng mga pagkain at inumin.
Inakala ng mag asawa na mga bandido ang mga ito kaya namuo ang takot sa kanila. Matapos nilang kumain ay nagpasalamat sila sa mag asawa.
"Dahil sa ipinakita nyong kabutihan sa amin ay gagantimpalaan namin kayo" sabi ng isa pang Lalake.
Nagulat ang mag asawa sa narinig nila at dahil don ay nawala ang takot nila sa mga lalake.
Habang naghihintay ang mag asawa ay sari-sari ang naglalaro sa kanilang mga isipan. Saang Kaharian kaya sila galing? Ano kaya ang laman ng mga dala nila? Di kaya mahalagang yaman yan ng kanilang kaharian? Oh baka mga mamahaling dyamante! Hmmmm ano nga kaya?
"Mga kaibigan dahil sa kabutihang ipinakita nyo sa amin tanggapin nyo ang aming munting handog sa inyo sabay sabay nilang nilapag ang mga basket na dala nila at binuksan yon ng sabay sabay. Bumungad sa mag asawa ang laman ng mga basket punong puno ito ng mga ginto. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita at di sila makapaniwala.
"Talaga bang sa amin ang lahat ng ito?" tuwang tuwang tanong nila sa mga lalaki.
"Talagang sainyo ang lahat ng yan tanggapin nyo" sagot ng isang Lalake.
"Malugod naming tinatanggap maraming salamat po!" masayang sabi ng mag asawa.
Maya maya pa ang isang lalaki ay may nilapag sa lamesa na isang malaking basket mas malaki ito kesa sa mga naunang ibinigay sa kanila at unti unti nya itong binuksan sa harap ng mag asawa at ng makita nila ang laman nito ay lalong nanlaki ang mga mata nila dahil ang laman ng basket ay isang sanggol napakagandang sanggol sing puti ng nyebe ang kanyang kulay, sing pula ng mansananas ang kanyang mga labi, sing itim ng gabi ang kulay ng kanyang buhok, magaganda ang mga mata at mapupula din ang mga pisngi kaya lalong umapaw ang kasiyahan ang mag asawa ng makita ang sanggol.
Kaugnay nito ay muling nagsalita ang mga lalaki.
"Kami ay nagmula sa kaharian ng Maraundo ang batang inyong hawak ay ang aming prinsesa. Kung maaari sana ay alagaan nyo muna sya dahil magulo ang aming kaharian ngayon at kailangan syang mailayo mula sa mga taong gusto syang patayin" paliwanag ng mga lalaki.
Dahil sa mga narinig nila sa mga lalaking ito at dahil nakiusap sila ay pumayag ang mag asawa na alagaan ang batang Prinsesa.
"Maraming salamat sa inyong pagpayag sa amimg pakiusap sa tamang panahon ay amin syang babalikan upang harapin nya ang kanyang tungkulin bilang Prinsesa. Ang mga gintong binigay namin sa inyo ay gamitin nyo upang buhayin sya at kung maaari sana ay lumipat kayo ng ibang bansa mas ligtas kayo don baka kasi matunton kayo ng mga kalaban dito at mapahamak pa kayo." dagdag pa ng mga Lalake.
Pagkatapos non ay nagpaalam na ang mga lalaki. Bago sila tuluyang umalis ay may isinabit sila sa Prinsesa na isang kwintas
"Ingatan nyo ang bagay na yan dahil yan ang tanda na sya ay isang Prinsesa pagbalik namin ay hahanapin namin yan sa kanya"
Matapos nga noon ay umalis na ang mga lalaki.
Lubos ang kaligayahang nadama ng mag asawa nang araw na yon dahil bukod sa may mga ginto na sila ay may Prinsesa pa silang aalagaan at mamahalin ng buong puso. Ang inakala nilang mga bandido ay mga mabubuting tao pala na syang dahilan ng biglang pagbabago sa kanilang buhay.
Kinagabihan pagkatapos nilang patulugin ang batang Prinsesa ay nagplano na sila ng kanilang gagawin.
"Mahal siguro ito na ang panahon para pumunta na tayo sa kapatid kong si Don yon lang ang tanging paraan para mailigtas natin ang Prinsesa sa mga gustong pumatay sa kanya" sabi ni Raul sa asawa.
"Oo nga mahal total may mga ginto na tayo pwede tayong mag negosyo doon mabubuhay natin don ng maayos ang Prinsesa" segunda ni Lynda.
"Pero mahal paano natin ipapaliwanag sa kanila ang tungkol sa Prinsesa? Hindi natin pwedeng sabihin sa kanila ang pagkatao ng bata" sabi ni Raul.
"Edi sabihin natin na ampon natin sya na iniwan sya sa labas ng bahay natin ganon" sagot ni Lynda.
"Eh paano ung mga ginto ang dami non?" tanong ni Raul.
"Di ipagpalit na natin ung iba ng pera at ung iba itago natin para sa pag aaral ng bata" ani Lynda.
"Kung kaya naman natin siyang buhayin doon huwag na natin pakialaman ang mga ginto itago na lang muna natin tutal may ipon naman tayo pang simula isa pa sabi ni Don suswelduhan naman niya tayo kaya siguro sasapat na yon saka na lang tayo kumuha pag talagang kailangan na" sabi ni Raul.
At yon nga ang kanilang napagpasyahan kaya kinabukasan ay inihanda na nila ang lahat ng kailangan nila sa kanilang pag alis tumawag na din sila kay Don para sabihing darating na sila.
