ikaapat na yugto

2.2K 49 0
                                    

Nang makarating na sina Jose at Raul sa bahay ay agad na nagpunta ito sa kwarto pagpasok nya ay natutulog si Linda at ang Batang Prinsesa. Dahan dahan nyang ginising si Linda Mahal gising ka na jan yugyog nya dito at nagising naman si Linda pupungay pungay itong bumangon. Mahal nanjan ka na pala kumain kana? Tanong nito. Tapos na Mahal ayusin mo na ang mga gamit natin bukas aalis na tayo pupunta tayo don sa rancho ni Salvador don na tayo titira maganda daw don.

Talaga? Mabuti naman naku di ako makakatagal dito walang ginagawa ayaw nila ako patulungin hay naku! Reklamo ni Linda sa asawa.

Nagpapahinga sila nang magising ang Batang Prinsesa gutom na kasi ito. Pagkatapos padedein ay naglaro na sya inilapag sya ni Linda sa kama.

Habang abala ang mag asawa sa pag aayos ng kanilang mga gamit, ang Batang Prinsesa ay naiwang naglalaro sa kama. Dahil malikot na ito hindi nila napansin na unti unti na pala itong nahuhulog sa kama biglang umilaw ang kwintas na suot ng Batang Prinsesa na syang ikinagulat ng mag asawa.

Nang mawala ang ilaw ay lumabas ang isang napakagandang diwata at nasalo nya ang Batang Prinsesa bago pa ito tuluyang mahulog.

Pagkatapos noon ay binalik ng magandang diwata ang Batang Prinsesa sa kama tumingin sya sa mag asawa at nagbato ng magandang ngiti saka ito nawala.

Dahil sa nangyaring iyon ay natulala ang mag asawa di sila makapaniwala sa kanilang mga nakita.

Nang mawala na ng tuluyan ang liwanag ay dali daling pinuntahan ng mag asawa ang kama kung saan nakahiga ang Batang Prinsesa at nakita nila na ito'y masayang naglalaro.

Mahal kurutin mo nga ako ako nga din mahal nagkurutan ang mag asawa at kapwa sila nasaktan inisip nila na panaginip ang kanilang nakita pero hindi yon panaginip totoo lahat un may taong lumabas mula sa kwintas ng Batang Prinsesa na syang poprotekta sa kanya sa oras ng panganib.

Kinagabihan pinapatulog na ni Linda ang Batang Prinsesa ng kinatok sila ni Belen sa pinto. Mam kain na po ah sige Belen susunod na kame wika ng mag asawa.

Dahil yon na ang huling gabi nila na kakain doon ay niyaya nya ang mga kasambahay na sabayan sila. Sige na sabayan nyo na kame kumain di kami sanay na kame lang ang kumakain.

Dahil sa pagpupumilit ng mag asawa ay walang nagawa ang mga kasambahay kahit na alam nilang sasabunin sila ng kanilang masungit na amo ay okey lang sa kanila mapagbigyan lang ang hiling ng mag asawa.

Masaya silang kumakain ng hapunan puro biruan at tawanan parang wala ng bukas para bang sa mga sandaling iyon ay muling sumigla ang bahay na puno ng kalungkutan dahil sa katahimikan di nila namamalayan ang bawat sandaling lumilipas.

Hindi nila napansin na dumating na pala ang mag asawang Salvador at Janine.

Pagpasok ni nila ng pinto ay narinig ni Janine ang malalakas nilang tawanan. Nairita agad ito at kumunot ang noo at tumaas ang kilay.

Hinanap agad nya kung saan nanggagaling ang ingay at natagpuan nya ito sa kainan kung saan nandon ang mag asawang Raul at Linda at ang mga kasambahay na sina Belen, Analyn, Jose. Rolando at Chao.

Nakatayo na si Janine pero hindi pa rin sya napapansin dahil sa nagkakasayahan pa rin sila lalo itong nairita.

Anong kaguluhan to!

Sigaw ni Janine na galit na galit at nang kanila un marinig huminto sila namayani ang katahimikan sa buong bahay. Ano? Wala bang sasagot? Sigaw nya. Nagsalita si Linda nagkakasayahan lang kami masama ba? Oo d2 sa bahay ko bawal ang mga kasiyahan na yan! Grabe ka naman Mam Janine karapatan ng tao na magsaya paminsan minsan saka bukas aalis na kami kaya eto nagkukwentuhan lang kmi wala naman kaming ginagawang masama eh. Pangangatwiran ni Linda.

Whatever! Basta dito sa bahay ko bawal yan galit na sabi ni Janine. Honey tama na yan easy ka lang! Pagaawat ni Salvador sa asawa. Hayaan mo na sila ngayon lang naman eh. Isa ka pa sabay batok sa asawa pagsabihan mo yang kuya mo ah kung ngayon pa lang gagawa sila ng kalokohan eh mabuti pa lumayas na ayoko ng sinusuway ang mga utos ko!

Di nagustuhan ni Linda ang mga sinabing un ni Janine kaya nagsalita itong muli. Naku mam kung ikaw rin lang ang magiging amo namin ay kawawa naman kame tatanda kame ng maaga dahil bawal palang tumawa at magsaya wag mo naman kme itulad sayo gusto pa naming bumata kahit na may edad na kame.

Dahil sa sinabing un ni Linda ay lalong nagngitngit si Janine. Akmang sasampalin na nya si Linda nang inawat sya ng kanyang asawang si Salvador.

Tama na yan Honey mga bisita sila respetuhin mo naman! Galit na sabi ni Salvador. Ah ganon! kakampihan mo pa sila kesa sakin? Wala akong kinakampihan ang akin lang sana matuto kang rumespeto sa kahit sinong tao. Mataas na tinig ni Salvador. At yon ang simula ng pag aaway nila habang lumalakad papunta sa kanilang kwarto.

Naiwang nakatulala ang mag asawa at mga kasambahay panandalian silang nanahimik habang pinapakinggan ang pagsisigawan ng mag asawang Janine At Salvador.

Ah mam sir tara na po sa kwarto nyo baka gising na po ang baby nyo yaya ni Belen sa mag asawa. Talaga bang laging ganito dito? Buti nakakayanan nyo pang tumira dito sabi ni Linda. Sanay na kami mam ganyan talaga dito may ibang araw mas matindi pa jan wala kami magawa kesa mawalan kme ng trabaho tiis tiis na lang sagot ni Belen.

At inihatid na ni Belen ang mag asawa sa kanilang kwarto. Goodnight mam sir hapi trip po bukas paalam ni Belen sana makadalaw po ulet kayo dito mamimiss ko si Baby sabi ni Belen sabay ngiti. Yaan mo Belen magkikita pa tayo sbi ng mag asawa at pumasok na sila ng kwarto.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon