KINAKABAHAN na si Joyce habang papalapit na sila sa silid kung saan nakaupo sa trono ang Hari at Reyna panay pa ang buntong hininga nya. Natatawa naman sa kanya si Yanna.
Ilang saglit pa ay nandon na sila sa pintuan ng silid nila lalong lumakas ang kaba ng dalaga pakiramdam nya'y sasabog ang dibdib nya sa sobrang kaba.
Pumasok na sila sa silid nagbigay pugay si Yanna sa Hari at Reyna ginaya naman ito ni Joyce.
"Mahal na Reyna nandito na po sya" sabi ni Yanna matapos magbigay dito.
"sige na Yanna iwanan mo na sya tugon ng Reyna sa kanya.
Umalis na si Yanna at naiwan si Joyce na nangangatog na ang tuhod sa kaba.
Nanatili si Joyce sa kinatatayuan nya at nakatingin sa Hari at Reyna. Marami syang gustong itanong sa mga ito lalo na't nalaman nya na kapatid ng kanyang tunay na Ina ang Reyna nila.
"oh baka mangawit ka jan halika dito" tawag sa kanya ng Reyna.
Dahan dahang lumapit si Joyce sa kinaroroonan nila bagamat kinakabahan sya binigyan sya ng Reyna ng isang matamis na ngiti tanda ng malugod na pagtanggap sa kanya.
"ano npa ulit ang pangalan mo iha?" tanong ng Hari.
"ako po si Joyce" sagot nya.
"nakita ka namin na natutulog sa ilalim ng puno maaari bang malaman paano ka napunta dito?" tanong ng Hari.
"sa pagkakatanda ko po tumakas don sa mangkukulam na gusto akong gawing alipin saka may mahabang tunnel snundan ko lang yon nang may nakita akong liwanag pinuntahan ko agad tapos nalaman ko na mat paraiso pala nalibang po ako kakaikot kaya napagod ako at nakatulog" paliwanag ng dalaga.
"ah Iha tanong ko lang pano ka napunta sa mangkukulam na yon?"tanong ng Hari .
Biglang naging malungkot ang mukha ng dalaga yumuko ito at nagsalita.
"lumayas po kasi ako samen eh tapos naalala ko nakatulog din ako sa puno non paggising ko nandon na po ako sa lugar nya" paliwanag nyang muli.
Nahabag ang Hari at Reyna sa kanyang sitwasyon lumapit ang Reyna kay Joyce at tinitigan ang mga mata nito at hinawakan ang mga kamay at sinabing
"huwag kang mag aalala Joyce dito kana muna saka mas ligtas ka dito walang gagalaw sayo dito.
Napaluha si Joyce sa sinabi sa kanya ng Reyna at dahil don naging palagay ang kanyang loob sa kanila.
Dahil sa mga sinabi ni Joyce ay biglang napaisip ang Hari kaya muli nya itong tinanong.
"Joyce alam mo ba ang pangalan ng mangkukulam na kumuha sayo?"
"hindi po eh pero yung alaga nya bruno ang pangalan ibon yon na nag aanyong tao" sagot nya.
Nagkatinginan ang Hari at Reyna at tila may namumuo nang konklusyon sa kanilang mga isip.
"ah Joyce gusto mo na bang magpahinga? Pwede ka nang pumunta sa iyong silid" sabi sa kanya ng Mahal na Reyna.
"ah mahal kong Hari at Reyna kung maaari po sana pwede po ba akong mamasyal sa labas ang ganda po kasi eh" paalam ni Joyce sa kanila.
"oh sige para hindi ka mainip pababantayan ka namin don" sagot ng Hari.
"maraming salamat po" muli nyang sagot.
Kaya naman lumabas muna si Joyce at naglalakad.
"Grabe! Ang ganda dito! Ang bango pa ng mga bulaklak ang dami pa!"
Tuwang tuwa si Joyce sa mga nakikita sa tuwa nya ay nagpaikot ikot ito na animoy sumasayaw. Sa pamamasyal ni Joyce ay may nakita syang malaking puno kagayang kagaya ito ng puno sa Celap na tinatambayan nya. Umakyat sya sa punong yon at umupo sa malaking sanga nito. Tuwang tuwa sya dahil natatanaw nya mula doon ang isang napakagandang tanawin na noon lang nya nakita.
Dahil sa tindi ng lungkot na nararamdaman nya ay napakanta na lang sya para kahit papano'y gumaan ang kanyang loob.
Lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang pagkanta ay naririnig ng buong Palasyo.
"Mahal kong Hari ang boses na yon! Hindi ako pwedeng magkamali ang boses na yon!" sabi ng Reyna.
"Tama ka Mahal kong Reyna boses ni Reyna Kaliya"
"Walang duda sya nga! Sya nga ang pamangkin ko kailangan malaman ito ni Kaliya"
"ang kailangan nating gawin ay patunayan na sya ang Prinsesa"
"Pero paano?" tanong ng Reyna.
"kailangan nating magimbistiga tungkol sa kanya"
"Teka nabanggit nya kanina na yung mangkukulam na kumuha sa kanya may alagang taong ibon na bruno ang pangalan kilala ko kung sino un si Julyn un at kilala ko sya dahil sa pagkamatay ng kapatid na si Monteroso wala na syang inisip kundi ang maghiganti sa pumatay dito.
Ipinatawag ng Mahal na Hari ang kanyang mga tauhan at hinati nya sa dalawang grupo ang unang grupo ay magbabantay sa Prinsesa ang isang grupo ay maghahanap kay Bruno para dalhin sa palasyo at ang ikatlong grupo ay pupunta sila sa mundo ng mga tao para hanapin ang kwintas at sunduin ang mga magulang ni Joyce.
Minulat na ni Bruno ang kanyang mga mata babangon na sana ito nang mapansin nyang may katabi pala sya nagulat sya nang makitang babae ang katabi nya. Tiningnan nya ang kanyang paligid nagulat sya dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar na yon.
"Nasaan ako? Paano ako napunta dito? At sino itong kasama ko?" sunod sunod nyang tanong sa kanyang sarili
Dahil sa unti unti nyang pagkilos ay nagising ang babaeng katabi nya unti unti rin itong bumangon at napatingin sa kanya.
"kamusta Bruno kilala mo pa ba ako?" tanong nito sa kanya.
Tinitigan nyang muli ang babae na nakangiti sa kanya.
"naku Miss pasensya kana hindi kita matandaan eh isinumpa kasi ako ng mangkukulam kaya lahat ng alaala ko nawala" sagot nya sa babae.
Ang nakangiting mukha ni Althea ay biglang lumungkot pero nakatitig sya kay Bruno hinaplos nya ang mga pisngi nito maya maya ay unti unting pumatak ang kanyang mga luha. Nagulat naman si Bruno sa reaksyon ni Althea sa sinabi nya.
"Miss pakiusap huwag kang umiyak!" sabi nya rito.
Niyakap ni Althea si Bruno at sinabing
"huwag kang mag alala tutulungan kitang maibalik sayo ang alaala mo para malaman mo kung sino ako sa buhay mo pangako yan" sabi ni Althea.