"Froilan ikaw pala! Halika tuloy ka tamang tama kumakain
kami dito ngayon halika samahan mo kami" yaya ni Raul sa
bisita.
Agad namang pumasok si Froilan at binaba ang kanyang
mga gamit at pumunta sa hapag kainan.
"Mahal may bisita tayo" saad ni Raul sa asawa na
kumakain.
"Sino yan Mahal?" tanong ni Linda.
"kamusta po kayo Tita?" masayang bati ng bisita. Hininto
ni Linda ang pagkain para lingunin ang kanilang bisita.
"ay ikaw pala!" sabi ni Linda sabay tayo at yakap kay
Froilan.
"kamusta kana iho?" tanong ni Linda.
"okey naman po" sagot ni Froilan.
"halika maupo ka at kumain" saad ni Linda sa binata at
pinaghanda nga nya ito ng pagkain.
Habang kumakain ay nagkwento si Froilan ng naging
buhay nya sa Maynila.
Graduate na si Froilan sa Kursong ingineer at nagtatrabaho
na sa kumpanya ni Salvador.
Nang mamatay kasi ang kanyang ama si Salvador na ang
kumupkop sa kanya.
Umuwi si Froilan dahil doon sya magtatrabaho katulong ni
Raul sa Rancho.
Natuwa naman ang mag asawa sa magandang balitang
narinig nila atlist ngayon ay may katulong na si Raul sa
kanyang trabaho.
Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain ng may
napansin si Froilan.
"nasaan po si Joyce?" tanong nya.
Nagkatinginan ang mag asawa di nila alam kung ano ang
isasagot kay Froilan.
"kumain kana muna jan at may pag uusapan tayo
mamaya" sagot sa kanya ni Raul.
Nang matapos na silang kumain ay nagpunta sila sa
garden para doon magpahangin doon din nila kinausap si
Froilan tungkol kay Joyce.
Ipinagtapat nila ang lahat lahat sa binata ang tungkol sa
pagkatao ni Joyce at sa kanyang pagiging isang Prinsesa.
Hindi naman makapaniwala si Froilan sa kanyang mga
nalaman na ang taong mahal nya ay isa palang Prinsesa.
Di maganda ang gising ni Prinsesa Kisha pagsapit ng
umaga sa kaharian.
Bukod sa bago ang kanyang kwarto ay di na nya mabibisita
ang kanyang mga Magulang miss na miss na nya ang ma
ito.
Ilang araw na ganon ang Prinsesa kaya kinausap na ito ni
