LUMIPAS ang dalawang taon, second year college na si Joyce sa kursong business management.
Gusto kasi nya na makilala sya sa larangan ng business at gaya ng Tito Badong nya gusto rin nyang magkaroon ng sarili nyang kumpanya.
At gaya ng pangako nya sa kanyang Mama at Papa, walang lovelife.
Marami ang gustong manligaw sa kanya pero binalewala lang sila ng dalaga.
Kahit na College na ito ay hinahatid sundo pa rin sya ng Papa nya dahil sa takot na may mangyari nanaman sa kanya.
Gaya ng nakagawian nya pagkatapos ng klase nya dumadaan pa rin sya sa Celap kung saan don sya nagpapalipas ng oras oh kaya nag aaral.
Kahit dalawang taon na ang lumipas sariwa pa rin sa alaala nya ang masasayang sandali na kasama ang kaibigang si Froilan.
"kamusta na kaya yung mokong na yon?" di na kasi ito nagparamdam sa kanya simula ng umalis ito. Ni tawag o text manlang wala o kahit sa chat.
"Miss na miss na kita Froilan" nasabi nya sa kanyang sarili habang nakatayo sya sa may puno at nakatingin sa inukit nito bago umalis.
Doon din sa lugar na yon nakakausap nya ang diwatang si Althea kaya naiibsan ang lungkot na nararamdaman nya.
"Joyce halika na maggagabi na" tawag sa kanya ng Papa nyang si Raul.
"anjan na Pa saglit lang" sagot nya dito habang nililigpit mga libro nya at ibang gamit.
Paguwi nila sa bahay nakahanda na ang hapunan at sila na lang ang hinihintay.
Kanya kanya na silang upo sa mesa nang makaupo na lahat ay sama sama silang nagdasal at nagpasalamat na pinangunahan ni Raul.
Tahimik silang kumakain, "Joyce 2 weeks na lang debu mo na! anong gusto mo?"
"Papa alam mo naman ang sagot jan eh"
"Joyce anak ika-18 birthday mo yon di pwdeng hindi tayo maghanda" paliwanag ni Raul
"Oo nga naman anak sa araw na yon ganap na dalaga kana pwde pa rin natin gawin yung nakagawian natin twing birthday mo and at the same time paghahandaan natin kasi debu mo yon eh" paliwanag din ni Linda.
"Bahala po kayo Mama, Papa" mahina nyang sagot.
"bakit kasi kailangan pang dumating ang araw na yan" sambit ni Joyce sabay baba ng kanyang mga kubyertos.
"tapos na po ako" sabay tayo nya at pumasok na sa kwarto.
"hindi nya pa rin nakakalimutan ang nangyari walong taon na rin pala ang lumipas" sabi ni Raul.
"Sir, Mam, pano po natin hahandaan si Mam Joyce kung ayaw nya naman?" singit ni Raquel.
"Oo nga mahal pano nga ba?" tanong ni Linda sa asawa.
"hmmm hindi natin maiaalis sa kanya na maging ganon sya sa tuwing darating ang birthday nya alam naman kasi natin pare pareho kung anong nangyari nung araw na yon".
"alam ko mahal pero panahon na siguro para kalimutan yon wala namang may gusto non eh nangyari na yon". wika ni Linda
"dapat ipaintindi natin sa kanya na nakalipas na yon"
Pagkatapos kumain pinuntahan nila ang kanilang anak sa kanyang silid ngunit wala ito doon.
"Mahal nasan na ang anak natin wala dito?" kinakabahang sabi ni Linda.
"Huwag kang mag alala mahal alam ko kung nasan sya sigurado ako don nandon lang sya at malamang kausap nya nanaman si Althea."
Nawala ang pag aalala ni Linda "marahil nga mahal"
"Dito ka muna at pupuntahan ko sya don okey" sabi ni Raul at umalis na ito.
"Mahal na Prinsesa tila malungkot ka may problema ba?" tanong ni Althea.
"Magbibirthday na naman kasi ako debu ko daw yon kaya kailangang paghandaan"
"Oh masaya yon mahal na Prinsesa icecelebrate ang pagiging ganap na dalaga mo."
"ayoko kasing icelebrate ang birthday ko eh may naaalala lang ako" malungkot na sabi ni Joyce at malapit ng pumatak ang mga luha.
"alam ko ang nangyari Mahal na Prinsesa hindi talaga inaasahan yon" sabi ni Althea.
"Althea sa palagay mo ba dapat ko pang icelebrate yon? Pag sumasapit ang kaarawan ko di ko maiwasang malungkot naaalala ko lagi si Lolo Juaning" sabi ni Joyce kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
"umiiyak ka na naman Mahal kong Prinsesa sa ilang taon ang nakalipas dapat mo na yung kalimutan kahit si Lolo Juaning di matutuwa sa nakikita nya sayo."
"tama yon" sabi ng isang tinig na syang gumulat sa dalaga.
"sabi ko na nandito ka eh kausap si Althea" sabi ni Raul.
Napangiti si Althea, "si Papa talaga oh bigla na lang sumusulpot!"
"eh ikaw kasi eh bigla bigla kang nawawala nag alala ang Mama mo halika na uwi na tayo."
"Sorry Papa!" sabi ni Joyce sa ama sabay yakap dito.
"tara na Althea umuwi na tayo!" yaya ni Joyce sa Diwata.
"Sige Mahal kong Prinsesa" mawawala na sana si Althea nang biglang umilaw ang kwintas na suot nya.
"Naku kailangan ko na munang bumalik sa aming kaharian sige jan muna kayo" paalam nito sa mag ama sabay nawala na syang parang bula.
Samantalang ang mag ama ay nagpasya naring umuwi na.
<¤>-<¤>-<¤>-<¤>-<¤><
"BAKIT po Mahal na Reyna?" tanong ni Althea nang makarating na sa kaharian.
"kamusta ang aking Prinsesa?" tanong ng Reyna.
"mabuti naman po sya Mahal na Reyna" sagot ni Althea.
"diba't nalalapit na ang kanyang kaarawan? alam na ba nya na Prinsesa sya?"
"opo Mahal na Reyna at ipagdiriwang nila ito, hindi pa nila nasasabi kay Joyce ang pagkatao nya".
"kelan pa nila balak yon sabihin naiinip nako! gusto ko nang makasama ang anak ko!"
"huwag po kayong mag alala Mahal kong Reyna tutulungan ko silang sabihin sa Prinsesa ang lahat".
"mabuti naman kung ganon hinihintay na sya mg kaharian".
"opo Mahal na Reyna makakaasa po kayo"
"ito na ang panahon Althea para tanggapin na nya ang kanyang korona".
"opo Mahal na Reyna aalis na po ako". sabi ni Althea nagbigay pugay ito sa Reyna tapos
Mj Sarador Nuñez
ay nawala na sya at bumalik na sa kwintas.
<¤>-<¤>-<¤>-<¤>-<¤><
SA labas ng kaharian sa isang maliit at tagong kuweba nakatira ang kapatid ni monteroso ang mangkukulam na si Julyn.
Nang mamatay si monteroso ay don na sya naglagi.
Maya maya pa ay dumating ang kanyang alagang ibon na kulay itim.
Sa tingin ay para itong kalapati pero kakaiba syang uri ng ibon.
"anong balita sa kaharian?" tanong nya sa ibon.
Ilang saglit lang ay nagbago ang anyo nito at naging tao.
"alam ko na kung nasan ang Prinsesa". sagot nito.
"saan?"
"nasa mundo ng mga tao at binabantayan sya ni Althea". sagot muli ng taong ibon.
"talaga!" alam ba nya na Prinsesa sya?" tanong nyang muli.
"hindi pa po" sagot nito.
"ganon pwes! tayo ang magsasabi sa kanya ng totoong pagkatao nya."
"ito na ang tamang panahon ng aking paghihiganti at muling pagsakop sa ating kaharian ha ha ha ha"