Ikalabing apat na yugto

949 25 1
                                    

NAPALINGON ang mag asawa kay Joyce nagulat sila ng makita nila syang umiiyak.
"anak ka-kanina ka pa jan?" tanong ni Raul.
Hindi sinagot ni Joyce ang tanong ng kanyang Papa "Papa, Mama ano po yung dapat kong malaman sabihin nyo sakin" pakiusap nito.
Wala nang nagawa pa ang mag asawa kailangan ng malaman ni Joyce ang totoo kaya lakas loob na nila itong sinabi.
Ipinagtapat na ni Raul ang lahat lahat sa dalaga na hindi talaga sila ang totoo nyang mga magulang at higit sa lahat ang pagiging Prinsesa nya.
Di makapaniwala si Joyce sa mga narinig nya mula sa mag asawa.
"hi-hindi, hi-hindi yan totoo! Hindi yan totoo! Sigaw nya at tumakbo sya palabas ng kwarto.
Tumakbo sya hanggang sa makarating sya sa Celap isinandal nya ang kanyang ulo sa puno at sinimulang umiyak.
Sa sobrang sakit di nya alam kung papano nya matatanggap ito.
Pumunta sya sa mataas na lugar at sumigaw ng malakas na malakas hangga't kaya nya para lang maibsan ang sama ng loob na nararamdaman nya ng mga oras na yon
Muli syang sumandal sa malaking puno at muli syang umiyak.
Dito na muling umilaw ang kwintas nya at nagpakita si Althea.
"Mahal na Prinsesa huminahon ka" sabi nya sa umiiyak na Prinsesa.
"isa ka pa! Akala ko kaibigan kita niloko mo lang ako! Niloko nyo kong lahat!" Sigaw nya.
"Mahal na Prinsesa hindi ka namin niloko nagawa man naming ilihim sayo ang pagkatao mo para sa kaligtasan mo at para maprotektahan ka."
"Huwag mo kong matawag tawag na Prinsesa dahil kelan man hinding hindi mangyayari yon!"
"pero mahal na Prinsesa ito na ang tamang panahon ng pagbalik mo sa Kaharian." pagkukumbinsi ni Althea sa dalaga.
"hindi ka ba nakakaintindi sa sinabi ko hindi ako magiging Prinsesa itatak mo yan sa utak mo!" galit na sabi ng dalaga sabay alis.
Dahil sa nangyari hindi matanggap ni Joyce na sa loob ng mahabang panahon ang inakala nyang mga magulang nya ay hindi pala na inakala nya na syay ordinaryong tao pero isa pala syang Prinsesa.
Ayaw nyang umuwi kaya nandon lang sya sa Celap nya malalim pa rin ang iniisip di nya matanggap na pinaglihiman sya ng kanyang mga magulang.
Maya maya pa ay tumulo na ang luha sa kanyang mga mata.
"Mahal gabi na pero wala pa ang anak natin hanapin mo na" utos ni Linda sa asawa.
"Sige mahal puntahan ko na alam ko nandon lang yon"
Pinuntahan ni Raul ang kanyang anak pero pagdating nya sa lugar na yon ay wala doon ang dalaga. Tanging kwintas lang nito ang kanyang natagpuan.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon