Ikalabing tatlong yugto

1.1K 22 0
                                    

"SORRY Mama," sabay yakap nito sa kanyang ina.
"para saan anak?" tanong mi Linda.
"dahil sa pag alis ko ng walang paalam napag alala tuloy kita." si Joyce.
Tinabihan sya ng kanyang ina at sinuklayan ang mahaba nyang buhok "okey lang anak naiintindihan naman kita eh."
"Mama payag na po ako na maghanda tayo sa birthday ko" si Joyce.
"Talaga anak?" natuwang sabi nito sabay yakap sa anak.
"special ang araw na yon sakin sana makapunta si Froilan Mama". Si Joyce.
"hayaan mo sasabihin ko kay Tito Salvador mo ah para maisama sya pagpunta nya dito."
Sumaya ang mukha ni Joyce, nagkaroon sya ng pag asang muli nyang makikita ang kaibigan pagkatapos ng dalawang taon. Miss na miss na nya ito.
Tulog na si Joyce hinalikan na ni Linda sa pisngi ang anak. "Goodnight mahal kong Prinsesa." bulong nito."
Lalabas na sana ito ng kwarto nang makita nyang umiilaw na naman ang kwintas ng dalaga.
Lumitaw muli si Althea.
"may mensahe ang mahal na Reyna" sabi nito na may malambing na tinig.
"tara don tayo sa kwarto" tugon ni Linda.
Lumabas na ng kwarto ni Joyce si Linda at nagtungo na sa kanilang kwarto.
"Mahal, mahal gising! nandito si Althea!" panggigising ni Linda sa asawa.
Pupungas pungas namang gumising si Raul.
"Bakit anong nangyari?" tanong nito.
"Ito na ang tamang panahon para sabihin sa Prinsesa ang lahat lahat" bungad ni Althea.
"Paano namin gagawin yon?" tanong ni Raul.
"kayo ang bahalang gumawa nyan dahil kayo ang magulang nya" si Althea.
"pwede bang konting panahon pa bubwelo lang kami?" si Raul.
"mahabang panahon na ang ibinigay sa inyo para sabihin yon sa kanya naiinip na ang Reyna gusto na nyang makasama ang Prinsesa." si Althea
"kailangan nyo nang magmadali nauubusan na tayo ng panahon kailangan na sya ng aming kaharian." sabi ni Althea at bigla itong nawala.
Naiwan ang mag asawa na nakatulala at di malaman ang gagawin.
"Mahal pano na ngayon kinukuha na nila si Joyce" bungad ni Linda sa asawa.
"wala tayong magagawa mahal kailangan na natin syang ibalik di naman sya satin eh." sagot ni Raul.
"dumating na ang kinakatakutan natin mahal mawawala na sya" sabi ni Linda kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
"wala tayong magagawa ma kailangan na sya don" sabi ni Raul at niyakap ang asawa.
Hindi nakatulog ng maayos ng gabing yon ang mag asawang Raul at Linda dahil sa kakaisip ng paraan kung papano sasabihin kay Joyce ang buong katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.
<¤>-<¤>-<¤>-<¤>-<¤><
"ANONG nangyari sayo Mama?" tanong ni Joyce habang kumakain sila ng almusal.
"ba-bakit anak?" sagot ni Linda.
"para kasing puyat na puyat na saka para kang umiyak mag damag may problema po ba?"
usisa sa kanila ng dalaga.
nagkatinginan ang mag asawa.
"wa-wala anak di lang ako nakatulog ng maayos kagabi." sabi ni Linda.
Pilit nilang itinago ang kanilang nararamdamang lungkot sa kanilang anak at naghahanap ng tiyempo kung papano ito sasabihin sa anak.
"Papa meron ba kong hindi alam sa inyo ni mama?" tanong ni Joyce habang nasa sasakyan sila pauwi na sa bahay.
"bakit mo naman natanong yan anak?"
"kakaiba kasi ang kilos nyo ngayong araw eh" puna sa kanila ng dalaga.
"anak wag mo na kaming intindihin ayos lang kami" si Raul.
"sigurado kayo jan ah Papa". si Joyce.
Ilang araw pa ang lumipas napansin ni Joyce na may nagbago sa kanyang mga magulang.
Parang may mabigat silang problema at ayaw nila itong ipaalam.
Minabuti ni Joyce na kausapin si Althea pero waka rin itong maisagot sa kanya.
Gusto na sanang sabihin ni Althea ang katotohanan kay Joyce pero dahil sa respeto nya sa mag asawa ay hinintay pa rin nyang sila ang magsabi sa dalaga.
"Mahal nahihirapan nako" umiiyak na sabi ni Linda sa asawa.
"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan ako din naman eh" sabi ni Raul.
"mahal hanggang kelan natin ito maitatago sa kanya?" si Linda.
Hindi na malaman ng mag asawa ang kanilang gagawin.
"dapat malaman na ni Joyce ang totoo sasabihin ko na sa kanya."
"Mama, Papa, ano yung dapat kong malaman?"

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon