Nakarating sa kaalaman ni Julyn ang ginawang pagtakas ng kanyang mga bihag kaya inutusan nya ang kanyang mga aliping zombies na sugurin sila at patayin.
Nagkalat ang mga zombies sa buong kaharian bawat taong masalubong nila ay kanilang pinapatay kaya halos wala nang mga tao ang natira pa sa kaharian.
Ang iba naman ay maswerteng nakatakas sa tulong ni Prinsipe Kyle.
"kailangang magwakas na ang gulong ito marami na ang namatay sa ating kaharian" galit na sabi ni Haring Akbar.
"paano natin matatalo ang mga zombies na yon eh pag hinahati mo sila nabubuo pa rin at lalo pang dumadami" sabi ni Prinsipe Kyle.
"may kahinaan din ang mga zombies na yan" sabi ng isang tinig na sya nilang ikinagulat.
Agad nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses at nagulat sila nang makita kung sino ang nagsalita.
"sino ka?" tanong ni Haring Akbar.
"ako si Tandang Kaide at naparito ako para tulungan kayong magapi si Julyn" pakilala ni Tandang Kaide sa kanila.
"kilala ko sya, sya yung binansagao nilang dakilang mangkukulam" sabi ni Reyna Katleya.
"maraming salamat po Tandang Kaide at matutulungan nyo kami" sabi naman ni Reyna Kalina.
"wala nang dapat pang aksayahing oras kailangan na nating masupil si Julyn hindi sya tao kundi isa nang kaluluwa na may malakas na pwersa at kapangyarihan na lipulin ang buong mundo at punuin ito ng kasamaan" paliwanag ni Tandang Kaide sa kanila.
Nagulat sila sa kanilang mga narimig.
"kaya pala hindi sya mamatay matay dahil kaluluwa pala sya at kaya nyang sumanib kahit kanino para maghasik ng kasamaan" sabi ni Prinsipe Kyle.
"paano po natin sya magagapi?" tanong ni Haring Akbar.
"si Prinsesa Kisha na ang bahala doon" sagot ni tandang Kaide.
maya maya ay lumabas ang Prinsesa kasama si Althea, Prinsipe Rai, Leon si Froilan kasama si Miros kasama rin sina Bruno at Wansa.
Agad namang yumakap si Prinsesa Kisha sa kanyang Amang Hari at Inang Reyna pati na rin ang kanyang Mama't Papa na sina Raul at Linda pati na rin sa kanyang Tita Katleya.
Hindi nila napigilan ang umiyak nang makita ulit ang Prinsesa dahil sobra silang nanabik sa kanya lalo na si Reyna Kalina at Linda.
Masaya sila dahil muli nang nakabalik ang Prinsesa sa piling nila pero bigla itong natigil nang pumasok si Julyn kasama ang mga zombies at si Monteroso.
"wow! parang eksena lang sa pelikula ah kamusta naman ang muli nyong pagsasama sama pamilya ng mga talunan!" sabi ni Julyn.
"tingnan natin Julyn kung sino ang mas talunan sa atin!" bulalas ni Prinsesa Kisha sa kanya.
"aba matapang sige sugurin sila!" sigaw ni Julyn sa kanyang mga alagad.
Sinugod nga sila ng mga zombies at buong tapang nila itong nilabanan gamit ang kanilang sandata't kapangyarihan pero hindi nila ito mapatay dahil muli lang silang bumabangon at dumadami.
Pilit nilang hinahanap ang kahinaan nito pero hindi nila masumpungan.
Dahil lalong dumadami ang mga zombies at pinalilibutan na sila nang biglang bumulong si Miros kay Froilan.
"nasa tenga ang kahinaan nila pag naputol nyo yon mawawala na sila" sabi ni Miros
narinig ni Julyn ang sinabing yon ni Miros kaya gamit ang kanyang tungkod at sa kumpas nito lumitaw ang animoy tali at pumalibot sa kanya at sa kumpas ulit ng tungkod sumigaw si Miros dahil kinukuryente sya ng taling nakapalibot sa kanya.
