ikalimang yugto

2.3K 52 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising sina Raul at Linda at naghanda na sa kanilang pag alis.

"Mahal sabi ni Don, ang lugar daw na pupuntahan natin ay gaya don sa lugar na ating pinanggalingan" bungad ni Raul sa asawa.

"Sya nga! di maganda at makakabuti un para sa Prinsesa lalaki itong malusog at di sakitin" masayang sagot ni Lynda.

"Tama ka dahil sariwa ang hangin doon pati na mga pagkain.  Exited nakong makarating doon mahal" sagot ni Raul.

Ilang saglit lang ay may kumatok na sa pintuan kaya tumayo si Raul para buksan ang pinto pagbukas nya ay si Jose pala. Niyaya na silang lumabas dahil nakahanda na ang sasakyan. Siya na rin ang kumuha ng mga gamit ng mag asawa at dinala sa sasakyan.

Pumunta na sila sa Parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Don. Laking gulat nila nang madatnan ang mga kasambahay na naging kaibigan na nila na sina Belen, Analyn, Chao, at Rolando.

"Mam, Sir, magiingat kayo sana makapasyal ulit kayo dito" paalam nila sa mag asawa.

Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang mag asawang Janine at Don ngunit hindi sila nagkikibuan.

Lumapit si Linda kay Janine.
Nagpakumbaba ito at humingi ng pasensya.

"Mam Janine pasensya na po sa inasal ko kagabi sana maging magkaibigan tayo" inabot ni Linda ang kamay nya tanda ng kanyang pakikipag ayos. Hindi iyon inaasahan ni Janine ganon pa man ay tinanggap nya ito at ngumiti at pumasok na sa bahay.

Sumakay na sila sa sasakyan pinaandar na ito ni Jose. Maya maya ay naglabas na si Don ng mga pagkain at nagpatugtug na din sya. Ang sasakyang gamit nila ay iba kesa doon sa sasakyan na sumundo sa kanila sa Airport. Ito ang pinakamalaki at pinakamaganda nyang sasakyan. Pag nandoon ka sa loob ay pwede kang humiga para ka lang nasa loob ng kwarto mo. Sinadya ito ni Don at yon talaga ang ginagamit nila pag may pinupuntahang mga out of town.

Apat na oras ang kanilang byahe kaya si Linda ay natulog muna habang si Raul ay nakipagkwentuhan sa kanyang kapatid.

Masaya ang kanilang naging kwentuhan. Binabalikan nila ang masasayang alaala ng sila ay mga bata pa. Wala na silang mga magulang namatay ito ng dahil sa aksidente 5 taong gulang pa lang noon si Raul at si Don naman ay 2 taon. Ang kanilang 3 kuya ay nasa Amerika na may mga kanya kanya silang negosyo doon at twing december ay pumupunta doon si Don at Janine para doon mag celebrate ng pasko at new year. Nahiwalay si Raul dahil nakipagsapalaran siya sa ibang bansa kung saan niya nakilala si Lynda at doon na nanatili. Isa pa may hidwaang si Raul sa isa sa kanyang mga Kuya kaya mas pinili na niyang lumayo.

Habang masayang nagkukwentuhan ang magkapatid ay biglang umiyak ang Batang Prinsesa hindi ito narinig ni Linda dahil mahimbing ang kanyang tulog kaya si Raul na ang nagasikaso sa kanya.

"Malapit na pala tayo kuya" sabi ni Don sabay hawi nya ang kurtina para makita ang view sa labas.

"Wow ang ganda nga talaga dito naalala ko tuloy ang bayang aming pinanggalingan" masayang sabi ni Raul 

Ginising na ni Raul ang asawa para makita din nya ang magandang view sa labas. Nagulat din si Linda sa mga nakita nyang view at ito'y biglang naiyak.

"Mahal namimiss ko sa atin" sabi ni Linda.

"Naku tiyak mawiwili kayo dito bukod sa maganda na ang sarap pa ng hangin. Di kayo magsisisi mababait pa ang mga tao dito kaya wala kayong magiging problema" masayang sabi ni Don.

Ilang saglit pa ay narating din nila ang Rancho ni Don. Pagpasok nito sa loob ay namangha sila sa laki at ganda ng Rancho pakiramdam ng mag asawa ay muli silang bumalik sa kanilang bayan. Pagbaba nila ng sasakyan ay agad silang sinalubong ng pinsan nilang si Koy at maybahay nitong si Liza.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon