"NASAN ako? anong lugar to?" tanong ni Joyce paggising nya.
"Gising ka na pala mahal na Prinsesa" bungad ni Julyn sa kanya.
Nagulat pa si Joyce sa nakita nya at bahagyang natakot, "sisino ka?" tanong nya.
"hihihihi ako si Julyn" sagot ni Julyn habang hawak ang kanyang mahabang tungkod at pinapanghalo sa kanyang kawali.
"Teka tao ka ba?" tanong nyang muli.
"Isa akong mangkukulam" sagot nya.
"pano ako napunta dito? saka anong lugar to? ang pangit naman!" muli nyang tanong
"pasensya kana mahal na Prinsesa dito ako tinapon ng magaling mong ama matapos nyang patayin ang kapatid ko" bulalas nya.
"Patayin? bakit pinatay? may kasalanan kayo?"
napangiwi na lang si Julyn di na nya sinagot pa ang tanong ni Joyce "halatang wala kang alam ikaw ang gagamitin ko para sa paghihiganti ko hahaha gagawin kitang alipin hihihihihi"
Habang abala si Julyn sa kanyang ginagawa si Joyce naman ay naglibot libot muna.
Wala syang ibang nakita sa lugar na yon kundi puro mga bato may maliliit may malalaki yung ibang mga bato parang natunaw na keso pa ang itsura.
Sa paglilibot libot nya nakasunod sa kanya ang itim na ibon na alaga ni Julyn ito ang nagbabantay sa kanya habang nandon sya.
Alam ni Joyce na may nagbabantay sa kanya at dahil sa kanyang pagkainip ay naisip nyang lansingin ang ibong nagbabantay sa kanya.
Dahil maraming pasikot sikot sa kweba, don sya nagpaikot ikot, paroo't parito, at labas masok sa mga lagusan doon. Dahil don sinundan sya ng sinundan ng ibon hanggang sa ito'y mapagod sa kalilipad at mahilo at maya maya pa ay nawalan na ito ng ulirat.
Nang masiguro ni Joyce na wala nang nakasunod sa kanya ay naglibot libot ulit sya at natuklasan nya ang isang lagusan napakadilim ng lagusan na yon at talagang nakakatakot. Nilakasan nya ang kanyang loob at pinasok ang lagusang iyon.
"Ang haba pala nito!" sabi nya sa sarili.
Patuloy pa rin sya sa paglakad kahit na takot na takot na sya dahil sa sobrang dilim ng kanyang tinatahak.
Naglakad sya ng naglakad hanggang sa makatanaw sya ng liwanag at sinundan nya ito.
Paglabas nya mula sa lagusan ay tumambad sa kanya ang isang magandang tanawin parang isang paraiso isang napakagandang lugar na ngayon lang nya nakita. Maraming mga paru paro at mga magagandang ibon na nagliliparan na parang inaanyayahan sya na libutin ang buong lugar. Ang mga bulaklak ay magaganda at at ang halimuyak nila'y ubod ng bango na nakakagaan ng pakiramdam. Ang mga puno doon ay mayayabong at hitik na hitik sa bunga pumitas sya ng isa at kinain yon at ubod ng tamis nyon.
"Wow! Ang ganda dito wish ko lang dito ako nakatira" sabi nya sarili.
Nawili sya sa kalilibot sa lugar na yon ni hindi nya namamalayan ang pagdaan ng oras wiling wili sya sa lahat ng mga nakikita nya. Sa pagod nya sa paglalakad sa lugar na yon ay napasandal sya sa isa sa mga puno doon at nakatulog.
<¤>-<¤>-<¤>-<¤>-<¤><
"BRUNO! bruno!" tawag ni Julyn sa kanyang alagang ibon ngunit hindi ito sumasagot dahil wala pa rin syang malay. Nang makita sya ni Julyn ay sinigawan nya ito.
"Bruno! Anong ginagawa mo jan? Bat ka natutulog? Nasan na ang Prinsesa?" sunod sunod nitong tanong.
Naalimpungatan ang taong ibon sa sigaw ng amo nya at nataranta ito. "Ang Prinsesa! Nasan ang Prinsesa!" Sabi nito na biglang tumayo para hanapin ang Prinsesa. Hinanap nya ito ng hinanap sa paligid ngunit hindi nya ito natagpuan kaya bumalik na lang sya kay Julyn.
"Sa wakas! Tapos ka na rin! Humanda ka Prinsesa Joyce magiging alipin na kita hihihihi" tuwa nyang sabi. Di nya namalayan na si Bruno ay nanjan na pala.
"Nasaan na ang Prinsesa?" tanong ni Julyn sa kanya nang makita sya nito.
Nag anyong tao ito saka sumagot "aaaaahhhh kasi ano eh" nauutal nitong sagot sabay kamot sa ulo.
"Nasaan ang Prinsesa?"
Sigaw na nyang tanong.
"Kanina kasi sinusundan ko sya tapos bigla na lang akong nanghina at natumba kaya di ko na alam kung nasaan na sya" nakayuko nitong sabi.
"INUTIL!" bulalas nya kay Bruno.
"Kasimple simple ng pinagagawa ko sayo hindi mo pa magawa ng tama! Hala sige halughugin mo ang buong kweba at hanapin sya! Ngayon din!"
Sa takot ni Bruno ay nag anyong ibon ulit ito at dali daling umalis para hanapin ang Prinsesa.
<¤>-<¤>-<¤>-<¤>-<¤><
NASA garden ang mag asawang Raul at Linda kasama si Salvador. Dipress pa rin ang mag asawa sa pagkawala ng kanilang anak.
"Huwag kayong mag alala may awa ang Diyos makikita din natin sya" pagpapakalma nya sa mag asawa.
Ilang araw na silang walang tulog sa kakahanap sa kanilang anak halos naikot na nila ang buong Tarlac mahanap manlang ang dalaga.
Malalim na ang gabi nasa Celap si Raul dahil umaasa syang babalik doon ang dalaga. Dala dala nya ang kwintas ni Joyce lagi nya itong tinitingnan "miss na miss na kita anak nasan kana sana umuwi kana" sabi nya sa kanyang sarili kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Di nya namalayan ang pagilaw ng kwintas at paglabas ni Althea.
"Raul Raul" tawag nito sa kanya.
Iniangat nito ang kanyang ulo at pinunasan ang mga luha sa mga mata nito.
"Huwag kang mag alala mahahanap din natin sya" sabi ni Althea.
"Ikaw may magic ka diba? bakit di mo sya kayang hanapin?"
"Patawad pero hindi yan sakop ng aking kapangyarihan tanging ang Reyna lang ang may kakayahang gawin yon" sagot nya.
"Ano palang naging silbi mo naging tagabantay ka pa nya kung di mo naman sya nasusubaybayan!" galit na sabi nito.
"Patawad! hayaan mo gagawa ako ng paraan para mahanap sya"
"Pag may nangyaring masama sa anak ko h
Mj Sarador Nuñez
huwag na huwag ka ng magpapakita samen!" galit na sabi ni Raul sabay talikod sa kausap at umalis na.
Naiwan si Althea sa lugar na yon hindi sya pwedeng bumalik sa kwintas dahil naiwan ito ni Raul. May kapangyarihan si Althea na mag iba ng anyo kaya nag anyong paru paru ito at lumipad sa buong lugar para hanapin ang Prinsesa.
Sa kanyang paghahanap ay may natanaw syang isang itim na ibon pamilyar sa kanya ang ibong ito kaya nagpasya syang sundan ito.
