ikatlong yugto

2.6K 52 0
                                        

Maagang nagising ang mag asawang Raul at Linda at gaya ng nakagawian nila ay nagdadasal sila ng sabay yan ang rutin na ginagawa nila bago sila gumawa ng kanilang mga gawain. Tamang tama pagkatapos nilang magdasal ay syang pag iyak ng Batang Prinsesa gutom na kasi sya at basa na kaya inasikaso na ito ni Linda. Pagkatapos nya padedein ng gatas ay pinaliguan na nya ito at pagkatapos ay nilagay na nya ito sa kanyang higaan. Tuwang tuwa si Linda na masdan ang Prinsesa dahil lagi itong nakangiti at lagi nya itong nilalaro. Hindi sya nahihirapan na alagaan ang Batang Prinsesa dahil naglalaro lamang ito pag napagod ay kusa na itong natutulog at iiyak lamang sya pag nagugutom na sya. Nilalaro ng mag asawa ang Batang Prinsesa nang biglang may kumatok tok tok tok tok. Pasok wika ng mag asawa. Magandang umaga po mam masayang bati ni Belen sa kanila. Mam nakahanda na po ang almusal tara na po kain na tayo yaya nya sa mag asawa. "Ah ganon ba sige susunod na kami". "Mam ako na po ang bahala sa bata kain na po kayo". ani Belen. Pumayag naman ang mag asawa at lumabas na sila ng kwarto. Dahil sa laki ng bahay ni Don, naligaw pa sila buti na lang at nakita sila ni analyn. Mam ano pong ginagawa nyo dito? Napunta kasi sila sa kwarters ng mga kasambahay inakala nila na yon ang kainan kaya don sila umupo.

Nang makita sila ni analyn ay inihatid sila sa talagang kainan. Natawa na lamang ang mag asawa sa kanilang nagawa. Don sa lamesa ay nandon din ang iba pang mga kasambahay nila Don at Janine. Si Rolando ang kanilang hardinero, si Jose ang kanilang driver, at si Chao, ang kanilang taga luto. Magandang umaga po mam sabay sabay na bati nila sa mag asawa. Isa isang pinakilala ni Analyn ang mga kasamahan sa mag asawa. Mam heto na po ang almusal nyo sbi ni chao sabay lapag sa hapag ng mga pagkaing niluto nya. Kumakain na ang mag asawa nang mapansin nilang hindi kumakain ang mga kasambahay nakatayo lang sila sa gilid at pinagmamasdan sila. "Teka bakit kami lang ang kumakain?" Nagtatakang tanong ni Raul. "Oo nga kayo ba nagsikain na?" Tanong din ni Linda. "Ah mam sige lang kain lang kayo mamaya na po kami may oras po kasi ang pagkain namin dito" sagot sa kanila ni Analyn. "Ah ganon ba, masaya sana kung marami kaming kasabay mas nakakagana" sabi ni Linda "teka nasaan na pala si Don at yung asawa nya? Muling tanong ni Raul" "Ah sir nasa opisina na po sila" sagot ni Jose "pinapasabi nga po pala ni Sir na don na kayo mag usap sa opisina nya ihahatid ko po kayo don pagkatapos nyong kumain". ani Jose. "Ah ganon ba oh sige. Grabe pala pag mayaman ka ang aga pa lang kelangan nasa opisina kana nagtatrabaho" wika ng mag asawa. "Ganun talaga sila mam" dagdag ni Chao habang nagluluto.

"Maaga silang aalis tapos gabi na umuuwi minsan na tityempo pang mainit ang ulo ni Mam Janine kaya minsan kami ang napagbubuntunan". Dagdag ni Chao. "Ganon ba, nahalata ko nga na mataray sya eh bakit hindi nyo isumbong" ani Lynda na tapos na sa kanyang pagkain. "Naku mam hindi po ganon kadali yon marami pong koneksyon si Mam Janine pag nagsumbong kami tsugi"! singit ni Analyn. "grabe naman pala talaga siya!" Ani Lynda.
"Hoy hoy tama na nga yan baka mamaya biglang sumulpot ung dragon na un malintikan pa tayo kaya easy lang ah relax lang" sabi ni Rolando na tila may halong pang aasar at bigla na lang silang nagsibungisngisan natuwa din mag asawa sa kanila dahil sa kabila ng kasungitan ng kanilang amo ay magkakaibigan sila at nagdadamayan.

Pagkatapos kumain ng mag asawa sila'y tumayo na sa mesa at binitbit ang kanilang pinagkainan nang makita ito ni Analyn ay agad nyang kinuha ang bitbit ng mag asawa "Mam, Sir, ako na po nyan! trabaho ko yan d2 kaya sige na po punta na po kayo sa inyong silid at maghanda na po kayo sa pagpunta sa opisina ni sir okey po ba?" Wala nang nagawa pa ang mag asawa kaya pumunta na sila sa kwarto at naghanda na. Pagpasok nila ng kwarto ay naabutan nila si Belen na nilalaro ang Batang Prinsesa. "Mam nakakatuwa naman po itong anak ninyo ang sarap laruin ngiti ng ngiti ang ganda ganda pa!" tuwang tuwang sbi ni Belen. Nakangiti rin naman ang mag asawa. "babye baby paalam ni Belen sabay labas na ng pinto.

Napagpasyahan ng mag asawa ng si Raul na lang ang pupunta sa opisina ng kanyang kapatid. Maiiwan na lang si Linda para di sila mapagod pa sa byahe. Nakahanda na si Raul nang may biglang kumatok sa kwarto. Tok tok tok pasok sagot ni Raul pagbukas ng pinto ay si Jose pala Sir alis na po tayo ah oh sige tamang tama nakahanda nako Mahal alis na kami paalam ni Raul sabay halik sa asawa oh sige mag iingat kayo ah sabi ni Linda at nagbato ng matamis na ngiti at umalis na si Raul kasama ang driver na si Jose at nagpunta na sila ng opisina ni Don. Mula sa bahay ay kalahating oras ang byahe para marating ang opisina. Pagdating nila don ay sinalubong sila ng gwardya at tinanong kung saan sila pupunta. Nang sabihin ni Raul na sa opisina ng kapatid nyang si Don,  napabuntohg hininga na lang siya at pinapasok sila.  nag elevator sila dahil nasa 5th floor ang opisina ni Don.

Nang nakarating na sila ay kumatok si jose sa pinto. Ilang saglit lang ay pinapasok na sila.

Naabutan nila na nakaupo si Don sa kanyang malaking opisina. Nakita ni Raul na maraming mga folder ang nakalagay sa mesa nito.
Pag upo ni Raul, ay nagpaalam na si Jose at lumabas na.

"Grabe! ang laki ng opisina mo Don!" Bungad ni Raul sa kanya pati ba itong building ay sayo rin? Tanong nya sa kapatid.
"Oo kuya akin din ito". malumanay na sagot ni Don. "Grabe pala pamumuhay nyo dito no? Sosyal pero napaka komplikado di ko na hahangarin pang yumaman nakakatakot". sabi ni Raul habang nililibot ang mga mata niya.
"Ganon talaga kuya kahit nakakaangat ka sa buhay kailangan pa ring magtrabaho para mamaintain ang buhay na meron ka at para lalo pang lumago" Sagot ni Don.

"Sobrang lago nyo na nga eh di pa ba kayo kuntento jan?" hirit ni Raul.
"Naku kuya mahabang paliwanagan yan" nakangiting sabi ni Don. "Maiba tayo naayos ko na ang titirhan nyo kuya doon kayo sa rancho ko sa Tarlac. Ikaw ang aking magiging tagapamahala don. Alam ko na yon ang buhay na nakagisnan nyo ayoko naman kayo manatili dito mas makakabuti kung doon kayo ihahatid ko kayo don bukas" sabi ni Don sa kanyang Kuya.

Maya maya ay nagring ang cellphone ni Don. "Nasan kana ang tagal mo ah! bilisan mo na nagugutom nako!" Sabay baba  ni Janine ng phone.
"Grabe yang asawa mo ah buti natitiis mo yang ganyan". nangingiting sabi ni Raul.
"Ganon talaga kuya yan ang mahal ko eh pero kahit ganyan sya mabait din naman yan pag tulog" nakangising sagot ni Don. Pagkatapos ay tinawagan na ni Don si Jose para maihatid na ulit ang kanyang kuya Raul sa bahay at para makapaghanda na sila sa pag alis.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon