ikalabing siyam na yugto

1K 21 0
                                    

NAKARATING sa kaalamam ni Reyna Kalina ang ginawa ni

Julyn sa Kaharian ni Haring Keiniel at Reyna Katleya na

kanyang kapatid.

Tinipon nya ang kanyang mga kawal at pumunta sa

Kaharian nila.

Nang makarating sina Reyna Kalina at Haring Akbar sa

Kaharian ni Haring Keiniel naabutan nila ang mga ito na

naghahanda na para umalis.

"Mahal na Hari nabalitaan namin ang nangyari kaya kami

naparito" bungad ni Reyna Kalina.

"Maraming salamat sa inyong pagdamay" sagot ni Haring

Keiniel.

"halika na magmadali na tayo at iligtas na natin sila" sagot

naman ni Haring Akbar.

Nang naihanda na nila ang lahat ay sama sama silang

umalis para iligtas ang Mahal na Reyna.

Di nila napansin na nauna na si Joyce sa kanila.

Natandaan na kasi nya ang tunnel na kumukonekta sa

Kaharian at sa kinaroroonan ni Julyn.

Marahan nyang binaybay ang tunnel na yon at pagdating

nya sa dulo ay nakita nya si Julyn na abala sa kanyang

ginagawa sa kanyang malaking kawa nakita din nya doon

na nakakulong sa isang malaking haula ang Mahal na

Reyna Katleya kasama sina Althea at Bruno at ang mga

magulang nya sina Raul at Linda.

Napaiyak si Joyce nang makita ang kanyang mga

magulang sobrang miss na nya ang mga ito at sabik na

syang mayakap sila.

"hintayin nyo ko jan at ililigtas ko kayo" wika nya sa

kanyang sarili.

Nagisip sya ng paraan kung papano makakalapit sa kanila.

Dahil kweba iyon maraming mga bato na pwede nyang

pagtaguan ang problema nga lang ay maraming lumilipad

na mga itim na ibon sa paligid nila at nagbabantay.

Dahan dahan si Joyce sa kanyang mga kilos para makalapit

sa malaking hawla.

Napansin naman sya ni Althea at nagsenyasan silang

dalawa.

Habang abala si Julyn sa ginagawa nya hindi nya

namalayan na malapit na si Joyce sa hawla. Nang sa wakas

ay makalapit na ito iniabot agad ni Althea ang kwintas sa

dalaga kaya nakabalik agad si Althea sa loob nito saka sya

muling lumayo.

Muling tiningnan ni Julyn ang kanyang mga bihag at

napansing wala na doon si Althea tumaas ang kilay nito at

sinigawan sila.

"nasaan na yung isa bakit kulang kayo?" sigaw nya sa mga

ito.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon