Pagkalipas ng tatlong araw ay handa na sila sa kanilang pag alis. Nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit. Sandaling dumungaw sila sa bintana ng kanilang bahay minasdan nila ang magandang view na makikita sa kanilang bintana.
"Mahal mamimiss ko dito"
"Ako rin naman mahal eh lalo na ang simoy ng hangin dito wala nito don sa pupuntahan natin"
. Sandali nilang dinama ang lamig ng simoy ng hangin na parang nagpapaalam din sa kanila at sila'y nagyakapan. Nasa ganon silang sitwasyon ng biglang.............
Tok tok tok tok bigla silang pumiglas sa kanilang yakapan at bumalik sa pagiimpake. Tok tok tok tok pasok sabi ng mag asawa. Pumasok ang mag asawang Auring at Jess nang makitang nagiimpake ang mag asawa ay naluha sila.
"Talaga bang tuloy na ang alis nyo di na ba yan mapipigilan?" naluluhang tanong ni jess.
"Oo buo na ang desisyon namin kailangan din kasi kami ng kapatid ni Raul doon" sagot ni Lynda.
"Bakit pa kasi kayo aalis okey naman kayo dito biglaan pa ang pag alis nyo" naluluhang sabi ni Auring.
"Huwag kayong mag alala pagdating namin don ay susulatan agad namin kayo" nakangiting sabi ni Lynda.
"Sige hihintayin namin sulat nyo ah"
Naiiyak sina Jess at Auring habang pinapanood na magimpake ang mag asawang Raul at Linda. Maya maya ay dumating na si Welmar
"Nakahanda na po ang sasakyan"
"Ah sige kunin mo na mga gamit maghahanda na kami" utos ng mag asawa sa kanya.
Naghanda na ang mag asawa sa kanilang pag alis. Kinuha na rin ni Linda ang batang Prinsesa na mahimbing na natutulog kaya walang nakakapansin sa kanya. Pagbukas nila ng pintuan ay nagulat ang mag asawa nang makita nila na nandon ang kanilang mga kapitbahay para magpaalam sa kanila.
"Magiingat kayo! Gabayan sana kayo ng Diyos sa byahe nyo. Pagpalain sana kayo palagi. Mamimiss talaga namin kayo"
Naluha ang mag asawa sa kanilang narinig ngunit talagang kailangan na nilang umalis.
"Maraming salamat sa inyong lahat babalik kami dito tandaan nyo yan"
" Cge maghihintay kami"
Sumakay na sila ng sasakyan at sila'y umalis na.
Dumating na sila sa Airport at doon ay kay Welmar naman sila nagpaalam.
"Welmar pano ba yan hanggang dito na lang ah ingatan mo ang bahay at alagaan pati ung mga alaga namin bahala kana" bilin ng mag asawa sa kanya.
"Opo ate ako na bahala kung paano nyo iniwan ang bahay pagbalik nyo ganon pa rin un ingat kayo ah mamimiss ko kayo" naluluhang sabi ni Welmar.
Pagkatapos nilang magpaalaman ay pumasok na ang mag asawa sa Airport. Pagpasok sa entrance ay tsinek ang kanilang mga tiket at ang kanilang mga gamit tapos ay dinaan ang mga ito sa machine tapos nito ay saglit silang umupo sa terminal habang hinihintay nila ang kanilang flight. Samantala ang Batang Prinsesa ay mahimbing pa ring natutulog kaya wala silang naging problema. Di nagtagal ay tinawag na din ang kanilang flight kaya naghanda na sila sa pagsakay sa eroplano 16 hours ang byahe nila at wala silang naging problema.
Makalipas ang labing anim na oras ay lumapag na ang eroplano na sinasakyan ng Mag asawa. Doon naman naghihintay ang kanilang sundo si Don ang kapatid ni Raul. Mayaman syang negosyante. May ari sya ng isang malaking Restaurant na marami ng branches sa iba't ibang lugar. May malaki din siyang Rancho kung saan titira ang mag asawa dahil sila ang mamamahala doon. May malaki din syang bahay at doon pansamantalang tutuloy ang mag asawa at ang Batang Prinsesa Bago sila lumipat sa Rancho.
"Wow Don, ang gwapo mo ah at ang ganda ng suot mo talagang mayaman kana!" Puna agad ni Raul sa kapatid.
"Hindi naman kuya nakakaangat lang ikaw kamuzta kayong mag asawa?" Tanong ni Don.
"Eto okey lang kami" nakangiti nilang tugon.
Napansin ni Don ang hawak na bata ni Linda. Tiningnan nya ito at natuwa sya sa bata.
"Anak nyo na ba ito? Diba hindi na kayo magkakaanak?" Usisa niya.
"Sya ang hulog ng langit sa amin may nag iwan sa kanya sa labas ng aming bahay kaya kinuha na namin sya kawawa naman eh" sagot ni Raul.
"Oo nga ang ganda pa naman anong pangalan nya?" tanong ulit ni Don habang hinahawak hawakan ang kamay ng batang Prinsesa.
Biglang nagtinginan ang mag asawa wala pa palang pangalan ang bata sa sobrang saya nila noon ay hindi nila naitanong sa mga lalaki ang pangalan ng Prinsesa.
"Joyce un ang pangalan nya" sagot ni Linda na pangiti ngiti pa.
Pagdating nila sa gate, may pinindot si Don sa kanyang kotse at bumukas ang malaking gate. Namangha ang mag asawa sa kanilang nakita lalo na noong pagpasok sa loob. Ang laki laki ng kanilang garden at may swimming pool pa!
"Wow Don, ganda ng bahay nyo at ang luwag pa ah grabe!" sabi ni Raul na manghang mangha sa mga nakikita.
"Labas pa lang yan kuya wala pa tayo sa loob" nakangiting sabi ni Don.
Pagpasok nila sa loob ay lalo silang namangha sa mga nakita mga mamahaling nuwebles ang nandon at talaga namang napakalaki
"Aabutin ka siguro ng ilang araw sa kalilinis dahil sa laki nito grabe!" sabi ni Lynda..
"Magandang araw po!" Bati sa kanila ng kasambahay na si Belen at si Analyn at nagpakilala ang mga ito sa kanila sila na rin ang nagpasok ng mga gamit ng mag asawa sa magiging kwarto nila
"Dumating na pala kayo!" Sabi ng nakakatakot na boses at yon pala ay si Janine ang masungit at nakakatakot na asawa ni Don. Lahat ng kasambahay ay takot sa kanya dahil bukod sa masungit ay masama pa ang ugali nito.
"Honey siya ang Kuya Raul ko at ang asawa nya si Linda" pakilala ni Don sa kanyang asawa.
"Kamusta po?" magiliw na bati nina Raul at Lynda.
Imbes na makipagkamay ay tiningnan sila ni janine mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay at yon ay hindi nagustuhan ni Linda. "
Honey dito muna sila pansamantala habang inaayos pa namin yung talagang titirhan nila" sabi ni Don.
"Okey Honey halika ma marami pa tayong pupuntahan ngayon at aasikasuhin diba sina Belen na ang bahala sa kanila halika na malelate na tayo " mataray na sabi ni Janine sabay labas ng pinto.
Wala nang nagawa si Don kundi ang sumunod kahit na gusto pa nyang kakwentuhan ang kanyang kuya ay wala syang magawa kaya nagpaalam na ito.
"Sige kuya aalis na lang ako bukas na lang tayo ulit mag usap". Paalam ni Don sa kanyang Kuya at sumunod na kay Janine.
"Mam kain na po kayo para makapagpahinga na po kayo" magiliw na yaya ni Belen sa kanila. Pumunta na sila sa mesa ipinahawak muna sandali ni Linda ang Batang Prinsesa kay Analyn para makakain sya at pagkatapos ay inihatid na sila ni Belen sa kwarto para makapagpahinga na sila
"Mam pag may kailangan kayo just call my name and i'll be there" natawa ang mag asawa sa sinabi ni Belen sige Belen goodnight sige mam goodnight din po at isinara na nila ang pinto.
