Kate.
What was just happened?
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin (multo na nga may sasapi pa?) at pagdating na pagdating ni Prince ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Ramdam ko naman na nagulat sila Prince at Mika nun pero hindi parin ako nagpatinag. Ewan ko ba sa sarili ko.
Iniling-iling ko ang ulo ko sa pag-alala ng mga nangyari kagabi. Nakaka-frustrate! Paano ako ngayon haharap kay Prince? Kahit yata si Mika ang hirap harapin.
Hindi siya dito sa designated room namin natulog, malay ko ba kung saan siya nag-stay.
And as usual umaga na at ako na naman ata ang natitira dito sa bahay na ito. May alam naman na akong puntahan pero nakakatakot talaga kapag wala akong kasama at baka maulit uli iyong nangyari kahapon.
Gusto kong pumuntang hospital pero hindi ko kaya na ako lang mag-isa. Nagpakawala ako ng buntong hininga at sinandal ng mabuti ang ulo ko sa sofa na naging dahilan upang halos makita ko na ang ceiling ng bahay. Laking gulat ko lang ng may nakita ako in my peripheral vision na nakatayong lalaki sa likuran ko. Kaya agaran akong lumingon.
"Kabute ka ba?" I sighed in relief. Akala ko kung sino. Pero natakot pa rin ako kahit konti.
"Are you going to sit there all the time?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin.
Back to normal na naman siya sa normal niyang pag-uugali. Parang kagabi lang ang sincere nang mga sinasabi niya sa akin. Namula yata akong bigla sa pag-alala ng mga nangyari kagabi. Kung totoong nagb-blush din ang mga multo, oo baka nagb-blush ako ngayon. Yumuko ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"Oo yata?" sabi ko sa kanya in a normal voice. Pilit tinatakpan ang kahihiyan.
"Magkukunwari ba akong hindi ko alam ang laman ng isip mo?"
Sa sinabi niya ay todo hiya na talaga ako dito! Oh sofa na may astig na design kainin mo na lang ako! Ngayon na! Bakit ba kasi nawawala sa isip ko na marunong nga pala itong magbasa ng nasa utak ko? Kainis naman!
Lalo ko pa tuloy niyuko ang ulo ko sa kahihiyan.
"Kulang na lang magka-stiff neck ka sa pinaggagagawa mo sa ulo mo. Pero kunsabagay hindi ka nga pala tao. Tss, freaking ghost." Naramdaman kong umupo din siya sa sofa dahil medyo napa-angat ako. Galing di ba.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at pasimpleng sinilip siya. Nagbabasa ulit siya ng libro. Hindi ba siya inaantok sa pagbabasa ng libro? Masyado naman siyang book lover niyan.
Napalaki na lang ang mata ko nung bigla siyang tumitig sa akin. Yung masamang tingin niya, na nagpapakita na naiinis siya.
"Am I really need to act that I wasn't able to read your freaking mind?" Parang matatawa pa siya sa inis. "You absolutely know that I do." inis niyang sabi sa akin. Bilis magbago ng mood neto! Grabe, minsan hindi ko na siya maintindihan.
"Ok fine! I'll stop thinking. Happy?" sabi ko sa kanya ng naiirita na din.
"No." sinara niya iyong libro at nagwalk-out bigla habang naka-nguso. Problema nun?
Tumayo na ako para sundan siya.
"Saan ka pupunta? Sama naman ako oh?" sabi ko sa kanya habang hinahabol siya.
At dahil isa akong kaluluwa syempre hindi ko ginagamit ang paa ko. Sarap kaya ng feeling na parang nadadala ka lang ng hangin. Kaya heto madali ko lang siyang naabutan at pantay na kami.
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Mystery / ThrillerLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...