Kate.
After lumabas ni Geor—oh ni Ina pala ibinaling muli sa akin ni Prince ang kanyang atensyon.
"Ok ka na ba talaga?" kitang-kita ko sa mga mata niya na talagang nag-aalala siya. Di pa rin naman ako ganun ka-komportable sa ganyang ikinikilos niya. Ibang-iba na siya compare sa dating siya.
Kung dati basta-basta na lang niya akong iniiwan at walang pakielam ngayon naman puro kabaligtaran ang lahat.
"Naninibago ka pa rin ba sa akin?" nakayuko niyang sabi. "Sabihin mo sa akin. Mas gusto mo ba na wala akong pakialam sa'yo?" parang nasasaktan siya sa mga sinasabi niya.
"Prince hindi naman sa ganun." Nagsisi na lang ako bigla kung bakit ko pa pinansin ang pagbabago niya.
Tumingin siya sa akin ng seryoso bago hawakang muli ang kamay ko. "Simula nung nag-open ako sa'yo ng mga lungkot na bitbit ko sa mahabang panahon ay gumaan ang pakiramdam ko. Ganun pala talaga no? Kapag pala ibinahagi mo sa iba ang ilang sakit na nasa dibdib mo, gumagaan pala talaga siya literal." napangisi siya ng kaunti bago ako titigang muli. "Dahil doon. Gusto ko ng bigyan ng chance ang sarili ko na sumaya. Gusto kong sumaya kasama kayo, kasama ka."
He's opening himself again in me. Hindi sa ayaw ko dahil sa totoo lang ang saya-saya ko. Ganito pala feeling ng pinagkakatiwalaan, ganito pala kasaya ang mapagkatiwalaan ka.
Pero paano na lang kung bigla akong bumalik sa katawan ko? Paano na si Prince kapag iniwan ko? Parang katulad na rin ako ng nanay niya na iniwan siya ng biglaan, paano kapag ako naman ang nawala? Babalik ba ulit siya sa dating siya? Parang ayoko. Ayokong bumalik ulit siya sa dilim na pinanggalingan niya, gusto kong ipagpatuloy niya ang buhay niya.
"Ok lang sa akin, sa amin. Don't worry, masasanay din kami." Nginitian ko siya habang pinipiga ang kamay niya.
"Ok." He then smiled too pero may kulang sa ngiti niya. Alam ko, binasa niya ulit ang laman ng isip ko.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin bago dumating si Ina.
"Hey. Sweet lovers! Sorry for disturbing your moment." nakangiti niyang sabi bago bumaling kay Prince. "Prince, I need to talk to you." kahit nagseryoso na si Ina ay hindi ko mapigilang mag-blush. Lakas mang-asar nitong si Ina e!
Humarap sa akin si Prince ng nakangiti. Napatingin naman ako sa ibang direksyon. Ayokong makita niya na nagb-blush ako! Nakakahiya kaya!
Medyo natawa siya, binasa na naman niya ang nasa isip ko! "Take a rest." Hindi ko alam kung paano niya nagawa na mahalikan ang noo ko. Naramdaman ko talaga ang pagdampi ng labi niya sa noo ko, lalong namula ang mukha ko. Ramdam ko!
"Ayie! Iba na talaga inlove." Kung may ipupula pa siguro ang mukha ko, pupula pa lalo dahil sa pinagsasasabi ni Ina. Ang lakas nya manukso!
"I'll now go." Tumayo na si Prince at mabilis na nawala sa paningin ko.
Pagkalabas niya ay napahawak ako sa noo ko. How he could kiss me? Kunsabagay, nagagawa nga niyang hawakan ako, halik pa kaya diba? Pero in normal person's point of view, humahalik si Prince sa hangin and it looks abnormal. Kaya tama nga ang sinabi ni Prince sa akin noon, no one will accept. Pero ako tanggap ko basta ba sa akin lang siya ganon. Teka—wait, anong sabi ko?
Tsk. Iniling-iling ko ang ulo ko. Bakit ko ba naiisip ang ganon? Malamang kung nandito si Prince at nabasa ang nasa isip ko mapagtatawanan pa ako nun.
Humiga na lang ako at tumitig na lang sa ceiling ng kwartong ito.
I'm just thinking for the some possibilities ng unti-unting nanghihina muli ang sarili ko, maybe I need more some rest.
Georgina.
"Babalik na siya sa katawan niya sa loob ng isang linggo." Sabi ko kay Prince agad-agad. Ayoko man sabihin sa kanya ang katotohanan pero kailangan niyang malaman para kung sakali man ay masulit niya ang moment nila ni Kate.
"Are-- you sure?" tinignan ko ang mata niya at natanaw ko ang lungkot doon. Tsk, it's not my intention to see his sadness.
"Prince I'm telling this to you, for you to be ready. And I'm pretty sure about what I told you. Alam mong never akong nagkamali." Paano ko nasabi na babalik na siya sa katawan niya? It's my ability to know what will happen in the future, kaya isa rin ako sa pinahahalagahan ni Prince, even Mika has her signature ability.
Hindi nakapagsalita si Prince, nakita ko siyang napa-upo sa sofa niya dito sa kwarto. Prince is really different now, I don't know what Kate done to her. Kung dati hindi mo siya makikitaan ng emosyon ngayon naman ay basang-basa ko siya.
"So what's your plan?" hindi sa chismosa ako tinatanggal ko lang naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakakabingi kasi. Oo nga pala—si Prince ay isang mind reader ng mga kaya niya lang basahin ang isip, kami ni Mika ay hindi niya mabasahan ng laman ng isip kaya ayun I'm not like of others na freely Prince can read to.
"Wala. Let it go, I think?" nakahawak na ang kanyang kamay sa noo nito at yumuko. So he's not ready for this kind of something.
"Frozen lang? Pero hindi mo ba alam ang salitang, sulit?" may pagka-irita kong sabi sa kanya.
Aba kaya nga sinabi ko sa kanya ang pagbalik ni Kate sa katawan niya ay para masulit naman ang moment nilang mag-lovers. And then I'm expecting him to make a move.
"I know." Humilata siya sa sofa at dahil sa matangkad siya, ang binti niya ay lagpas na sa sofa.
"So? Ano na?" I ask him na parang atat na atat sa pagtulong sa planong pagpropose sa girlfriend. Tsk.
Tahimik lang siya at mukhang walang balak sagutin ang tanong ko sa kanya.
"If you need some help, I'm always here. Count on me, Prince." And there I left him na tulala lang na nakatitig sa kisame ng kwarto niya.
I can't imagine kung paano na si Prince kapag umalis na ang babaeng iyon, maybe a shadow behind Kate.
I saw Mika paglabas ko ng bahay, she's looking straight unto me.
"Ina—sorry." Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko sa kanya. I look at her straightly. Ang isang Mika ay nagpapakumbaba ngayon, what's with the weather?
"Sorry, hindi ko lang talaga matanggap nung una kung bakit hindi nage-exist sa'yo ang 10 pm rule. And malaman-laman ko na babalik ka pagkatapos mong mawala ng apat na buwan. But then realization hit me, your special and indeed we need you. You with your ability is a big help, I'm looking forward for us to have a good friendship like before."
I didn't expect what Mika are saying but then I sighed when I saw the sincerity in her eyes.
"Forget it. Let's be friends, like before." I smiled truly to her.
She hugs me.
"Thank you for the chance. I need to go, bye." At umalis na siya sa harapan ko. I know she is crying right after she made me face her back.
People do really change. So ghost can too.
----
Kindly read my newest story :)
"All Because of Piano Tiles" nasa external link, pwede nyo ring i-visit sa home ko at i-search. So, Thank you! ;)
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Misterio / SuspensoLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...