Surprise. (revised)

913 29 1
                                    



Kate.

Inabot na ako ng gabi dito sa pwesto ko. Yes, nakahiga pa rin ako sa damuhan. Hindi ako umalis nung iniwan ako ni Prince. Gusto kong makita ang buwan, ewan lang pero excited ako. Excited na makita ang buwan sa paglandas nito sa kalangitan, weird lang eh no? Pero weird naman talaga.

"Hoy babae!" napaupo ako sa biglaang pagsigaw ni Ina.

Napanganga ako pagkakita ko sa kanya. Oh my!

Nakita ko mula sa malayo ang pagtawa niya. "Ang mukha mo Kate, hindi maipaliwanag. By the way, hindi na lang ikaw sa araw na ito ang maganda kundi pati ako!" natatawa niyang sabi na parang baliw na nagwagi sa masamang balak niya. Yes, she changed a lot. Yung appearance niya iba na, kung dati ang itsura niya ay hindi kanais-nais ngayon naman ay kayang-kaya ng titigan ng mga mata.

"H-How?" tanong ko habang lumalapit sa kanya at ine-examine ang buong katawan niya. I looked at her from head to toe.

Ngumuso lang siya sa itaas, sinundan ko naman iyon at tumalon sa saya ang puso ko na nakita na ng mga mata ko ang kanina ko pang iniintay.

"Ang ganda talaga." Komento ko sa buwan na may pagkamangha sa mga mata ko.

"Yes, I know. Maganda ako." Sabi naman ni Ina sa tabi ko, tinignan ko lang siya at umiling.

"Hindi ikaw, yung buwan ang tinutukoy ko." Walang anu-anong sabi ko sa kanya.

"Sus. Deny pa eh. Kanina lang napanganga ka sa beauty ko na mas lamang sa'yo tapos ngayon ipinagkakaila mo na? How could you?" umaarte pa siya na parang iiyak, sus.

"Arte." Sabi ko lang sa kanya at tumakbo papasok ng bahay.

Ano pa bang meron?

Sa pagtungtong ko ng bahay ay tuluyan na ngang napanganga ang bunganga ko, wala na ang mga nakakatakot na multo kundi puro mga anghel ang natatanaw ng mga mata ko ngayon. Anong meron? Bakit ganito ang itsura nila? Ganito din ba itsura ko ngayon? Ano ang kapalit ng pagiging mala-anghel ng mga ito?

"What do you think?" biglang sumulpot si Mika sa harapan ko at pumose pa.

Napangisi naman ako saglit sa ginagawa niya, "You look beautiful." Nakangiti ko nang sabi.

"Yan ang gusto ko sa'yo eh, di ka marunong magsinungaling." Tumawa ako sa sinabi niya at ganon din ang ginawa niya.

"So bakit kayo nagtatawanan? Pinag-uusapan niyo ako ano?" biglang sumulpot si Ina sa harapan namin. Hindi ko alam kung paano nila iyon nagagawa but then nasanay na rin ako sa ganoong mga ginagawa nila.

"Nope. Asa ka naman." Sagot naman sa kanya ni Mika, nagkatitigan na naman ang mata ng dalawa. Sus, sobra na ang kuryente sa pagitan nila. Natigil lang sila nung nagsalita si Prince na nasa bandang harapan.


"Good evening everyone."

"Good evening." Tugon naman namin sa kanya, nakita ko din na ang dami namin dito so ano ang ibig sabihin nito? Parang may pulong lang na ewan.

"It will be my last 3 days here." Ang isang pangungusap na sinabi niyang iyon ang nakapagpagulo sa lahat ng mga multong nandirito, tinignan ko si Ina na seryoso lang na nakatitig kay Prince samantalang si Mika naman ay nagulat sa sinabi ni Prince, pagdakay nawala na ito at napalitan ng seryosong mukha na may bahid ng pagtatanong.

He's in love with a Ghost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon