Kate.
Mabilis dumaan ang bawat oras. At ang ayaw kong mangyari sa araw na ito ay malapit nang maganap. Alam ko na kung ano ang aming activity dahil sa ubod na madadaldal na kaklase ko. At nung malaman ko kung ano ang activity ay nalugmok ako, sinisisi ang sarili ko na sana hindi na lang talaga ako pumasok. Nakaka-asar!
Sayaw lang naman ang aming activity! Oo sayaw lang! SAYAW lang! Sayaw na by partner, opposite gender dapat. Hindi ko alam ang tawag doon dahil wala akong alam na kahit ano na basta involve sa sayaw.
I really hate the word Dance! Because the word itself hates me, so I do hate that too. Kainis lang, mag-cutting na lang kaya ako?
Hay nako patay naman ako kay Mommy pag nagkataon. At sabi pa ni Gab kahapon, ibibigay na niya yung names namin kay Ma'am. Hindi lang ako kay Mommy malalagot kung sakali dahil pati pala sa teacher ko. Mukhang mahalaga pa ata itong activity na ito para sa kanya.
10 minut1es left...
Sana isa na lang akong Time Keeper, kumbaga sa fiction stories ay may ability na ihinto ang oras. Bakit ba kasi nauso pa yang sayaw-sayaw na yan!
5 minutes left...
Putspa! Di ko na maiwasang pagpawisan dahil sa kaba! Air-conditioned na room namin ay hindi manlang ako pinigilan sa pamamawis!
Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko! Daig ko pa ata ang may sakit sa puso na aatakihin na. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bwisit talaga! Kinakabahan akong mapahiya! Hindi ko kayang sumayaw! Wala akong talent sa ganung bagay! Baka ang maging outcome ay lagi akong mapansin ng prof. namin!
"Are you okay?" Tumalon ata ang puso ko sa gulat ng nakitang nasa harapan ko na si Gab. Ano ginagawa nito dito?
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Ma'am.
"Mr. Lee! What's the matter? You're disturbing my class. Please be seated!" inis na sabi ni Ma'am, kung kelan naman kasi siya matatapos na ay tsaka pa may umistorbo. She really hates it.
"Sorry Ma'am." sabi ni Gab na yumuko pa kay Ma'am bago umupo.
"Oh well. Don't do that again. So class this is your assignment. Whom who doesn't bring their assignment for tomorrow is obviously will be absent. Class dismissed!"
Oh my! Tinakpan ko ang dalawang tenga ko, dumukdok at inis na inis sa loob-loob ko! Dapat talaga nag-cutting na lang ako.
"I thought di ka papasok." sabi ni Gab habang nakadukdok ako.
I didn't respond.
"Kate, are you alright? Napansin ko kanina na parang tuliro ka. Kaya nga napatayo ako ng di oras eh." tanong niya pero di pa rin ako sumagot.
"Is there any problem? If you're not feeling well..." nahinto siya saglit "... then I will tell it to our instructor so you can take a rest." oo, pwedeng-pwede nga na ganun ang gawin niya pero parati na lang ba akong tatakbo sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. Sabi nga face your fears though hindi ko ito fear. Yaan na nga!
Iniangat ko na ang ulo ko, "I'm ok, don't worry."
"Are you sure?" paninigurado pa niya. Tumingin pa ako sa mga mata niya na dapat pala ay hindi ko na lang tinignan. He got this hazel brown pair of eyes that is really captivating. Nataranta ako sa kaba.
"Oo nga! Kinakabahan lang ako dahil..." tinakpan ko ang bunganga ko, dire-diretso magsalita kapag talaga kinakabahan. Hindi talaga ako ok! Ugh!
BINABASA MO ANG
He's in love with a Ghost.
Mystery / ThrillerLoving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita niyo naman ang title. Paano kaya tatakbo ang kakaibang relationship nila? Pero sila pa din ba ha...